ILOILO CITY -- Naglabas ng mahigit ₱18.5 milyon ang The Department of Social Welfare and Development (DSWD-6) para sa mga naapektuhan ng bagyong Agaton sa Panay Island.

Sinabi ni DSWD-6 Regional Director Ma. Evelyn Macapobre na ang pinakamalaking bulto ng tulong ay inilaan sa food packs. Hindi bababa sa ₱15.69 milyong halaga ng food packs ang naipamahagi sa 32,027 apektadong pamilya sa Panay.

Hindi bababa sa ₱289,000 halaga ng inuming tubig ang ipinamahagi sa mga pamilyang karamihan ay nawalan ng tirahan sa lalawigan ng Capiz at ilang bahagi ng lalawigan ng Iloilo.

Ayon pa kay Macapobre na may karagdagang ₱2.52 milyon na halaga ng non-food items ang ipinamahagi rin. Binubuo ito ng mga modular tent, hygiene kit, at sleeping kit.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng mga relief goods kahit na ang bansa ay nasa kasagsagan ng Semana Santa.