LA TRINIDAD, Benguet – Target ni Benguet Caretaker at ACT-CIS Representative Eric Yap na matapos ngayong taon ang Benguet Sports Complex sa Barangay Wangal, La Trinidad, Benguet.
Ang Wangal Sports Complex na siya ringpinagdarausan ng Benguet Festival ay legacy project ni dating Benguet Action Man Nestor Fongwan, Sr.
Ang kasalukuyang improvement ng Benguet Wangal Sports Complex, na may halagang ₱540 milyon, ay pinondohan ni Yap at ito ay nasa huling yugto nito sa paglalagay ng tartan para sa running field.
Sinabi ni Yap na ang 400 metrong oval track field ay magkakaroon ng rubber tartan track sa lalong madaling panahon upang masuri na ito ng mga European inspection team na inaasahang darating sa susunod na buwan para sa sertipikasyon nito.
Kabilang sa state of the na Sports Complex rehabilitation na nagsimula noong June 2021, ay ang standard Olympic-sized swimming pool upang matiyak na ang Benguet ay maaaring makapag-host ng mga lokal, rehiyonal, pambansa at internasyonal na mga kumpetisyon, dahil ang mga pasilidad sa palakasan ay sumusunod sa mga internasyonal na pamantayan.
Pagagandahin din ang mga bleachers upang ganahan ang mga manonood, tennis court rehabilitation, ang improvements ng gymnasium na may sahig na gawa sa kahoy, fiber glass para sa basketball.
Sinabi ni Yap, mabilis na sinusubaybayan ang mga pagpapahusay kabilang na ang paglalagay ng karagdagang mga istruktura na inaasahang matatapos ngayong taon.
Matatandaan noong Enero 29, 2020, matapos italaga bilang legislative caretaker ng Benguet, ay sinabi nito sa kanyang welcome program sa Wangal Sports Complex , ay ipinangako nito sa mga opisyal ng lalawiganna bibigyan niya ng prayoridad na ituloy ang rehabilitation ng sports complex na naiwang legacy project ni dating Congressman Fongwan.