Natimbog ng pulisya ang isang negosyante matapos dukutin ang dating ka-live-in partner saParañaque City kamakailan.

Nasa kustodiya na ngParañaque City Police ang suspek na siFranklin John Abanilla, 37.

Sinabi ni Metro Manila Police chief, Maj. Gen. Felipe Natividad, isinagawa ang pag-aresto base na rin sa reklamo ng biktimang si Rugeline Ugat, 23, taga-Poblacion, Muntinlupa City.

Sa paunang imbestigasyong ng mga awtoridad, nakipagkita ang biktima sa suspek na dating ka-live-in nito sa Bradco Avenue, Brgy. Tambo, Parañaque City nitong Abril 13, dakong 4:05 ng hapon.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Gayunman, bigla umanong kinaladkad ni Abanilla ang biktima papasok sa isang van kung saan kinuryente ito, gamit ang isang electric shock device.

Sa kabila nito, nakahingi pa rin ng tulong si Ugat sa mga guwardiya na ng Aseana Business Park.

Nang respondehan ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng Parañaque City Police, agad na pinaharurot ng suspek ang van kaya hinabol hanggang sa maharang ito.

Nailigtas ng mga awtoridad ang biktima na ikinaaresto naman ng suspek.

Nasamsam sa suspek ang isang Cal. 9mm pistol na may isang bala; isang magazine na kargado ng anim na bala; electric shock device; posas; at puting traveller van na may conduction sticker na IO-D947.

Inihahanda na ngayon ng pulisya ang patung-patong na kaso laban sa suspek.