Sa patuloy na search and retrieval operations, umakyat na sa kabuuang 153 ang mga kumpirmadong nasawi sa Baybay City at Abuyog sa probinsya ng Leyte kasunod ng mapaminsalang mga landslide, kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Agaton.

Sa ulat ni Leyte Fifth District Representative Carl Cari mula nitong Huwebes, umabot na sa 101 ang naiulat na nasawi sa magkakahiwalay na pagguho ng lupa sa ilang barangay sa lungsod ng Baybay.

Nasa 103 ang nananatiling missing, at 50 survivors naman ang nagpapagaling sa mga pagamutan matapos magtamo ng mga sugat. Tinatayang nasa 3,652 na pamilya ang naman ang naiulat na lumikas.

Sa Abuyog, sa probinsya pa rin ng Leyte, umabot na sa 52 ang narekober na mga bangkay sa Brgy. Pilar.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tinatayang 45 na indibidwal ang sugatan at 365 na mga pamilya ang inilikas matapos ang mapaminsalang landslide.

Samantala, nakarating na kaninang hapon sa Baybay City si Pangulong Rodrigo Duterte para personal na suriin ang lawak ng pinsala, at alamin ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ni Agaton sa rehiyon.