Dapat na tiyakin at bigyan ng gobyerno ng tulong ang mga pasyente na nakaratay sa mga pribadong ospital dahil sa kahirapan sa buhay na pinalala pa ng Covid-19 pandemic.
Sinabi ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera, isinusulong niya sa Kamara ang panukalang mabigyan ng ayudang-pangkalusugan ang mga kapus-palad upang gumaan ang kanilang gastusin sa mga pagamutan.
Pagdidiin nito, dapat na masiguro ng pamahalaan na ang medical assistance program sa ilalim ng Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang mga ahensya, ay accesible sa lahat ng pasyente, lalo na sa mahihirap.
"Meron tayong episyenteng medical assistance program. Ang DOH at DSWD ay meron nito. So we don't have a problem like that in public hospitals because poor patients can be discharged without having to pay any fee," sabi pa nito.