Pinuri ni re-electionist Senator Risa Hontiveros nitong Miyerkules para sa kanyang kahanga-hangang mga nagawa sa lokal na pamamahala si Pasig City Mayor Vico Sotto, partikular na ang pagpapaigting nito ng transparency at pagpapalakas ng mga hakbang laban sa katiwalian.

Nagbigay ng courtesy visit si Hontiveros sa alkalde at nangakong susuportahan ang mga programa ng lungsod para masugpo ang epekto ng Covid-19 pandemic lalo na sa kalusugan at kabuhayan. Nakipagpulong din siya kina Pasig City Rep. Roman Romulo, Councilor Corie Raymundo, at Pasig Urban Settlement Officer Ka-Ric Reyes.

Noong Disyembre 15 noong nakaraang taon, kinilala si Sotto ni United States (US) Secretary of State Anthony Blinken para sa kanyang mga kontribusyon sa transparency at anti-corruption.

Binanggit ni Blinken si Sotto at ang kanyang pamunuan ng Pasig City sa kanyang talumpati tungkol sa relasyon ng US sa Indo-pacific region at pagbuo ng transparency at anti-corruption policy sa Indo-pacific.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Binanggit niya ang transparency at public communication hotline ng Pasig City, na kilala rin bilang Ugnayan sa Pasig (UsaP), na kinikilala niya bilang isang paraan para makilahok ang mga community-based na organisasyon sa city-spending at resource allocation.

Sinabi ni Blinken na si Sotto ay pinangalanang "anti-corruption champion" ng US State Department noong Pebrero 2021 para sa pagpapatalsik sa isang politikal na angkan para sa kanyang mga nagawa tungo sa kalayaan ng impormasyon at participatory governance.

Patrick Garcia