Matapang na nagsalita ang "Queen of Bossa Nova" at singer na si Sitti Navarro hinggil sa pagsuporta nito sa pagkapangulo ni Bise Presidente Leni Robredo.

Sa Facebook post ni Sitti, nag-upload ito ng isang video na kung saan ay kasama nito ang anak nito na binibigkas ang chant na "Leni, Leni," na aniya, ay "cutest Leni supporter."

Ayon kay Sitti, kahit na nakaboto na siya ng tatlong pangulo noong mga nagdaang eleksyon ay matagal na siyang hindi nagpapahayag ng pagsuporta sa mga kandidato.

Ngunit para sa kanya, iba ang mangyayaring eleksyon ngayon parating na Mayo 9 dahil aniya, naging laban na ito ngayon sa maling impormasyon, kasinungalingan, at rebisyunismo sa kasaysayan.

National

Sen. Risa, ipinagkatiwala na si Guo sa korte: ‘I look forward to the day you face justice!’

"Now, more than ever, I am voting for the kind of Philippines I want for my children: one led by a fearless, honest, compassionate, experienced and learned leader. Sa lahat ng kandidato ngayong nalalapit na eleksyon, si @bise_leni lang ang mapagkakatiwalaan ko," ani Sitti.

Dagdag pa niya, suportado niya ang "Full Disclosure at Freedom of Information Bill" na nauna nang sinabi ni Robredo na kanyang ilalabas na executive order kung mahahalal itong pangulo.

Para kay Sitti, ang hakbang na ito ni Robredo ay daan upang tuldukan ang korapsyon sa bansa, malilinis ang gobyerno, at sa publiko mapupunta ang kaban ng bayan.

Aniya, "This is the hope that I have. I never used to pray specifically for one candidate to win. But now, I find myself praying daily for VP Leni to win."

Giit naman ni Sitti, sinumang manalo sa eleksyon ay susuportahan niya ngunit dumadalangin siya na si Robredo ang magwagi sa karera ng pagkapangulo.

"Of course, God is sovereign. Whoever wins this coming May 9, I will support and pray for. It is my duty as a citizen. But for now, I’m really praying and hoping that it will be VP Leni," ani Sitti.