Bumaba muli ang naitalang bilang ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) cases sa bansa nitong Biyernes Santo, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH).
Ito ay nang umabot na lamang sa 272 ang karagdagang bilang nitong Abril 15, mas mababa ng bahagya kumpara sa 276 na naitala nitong Abril 14.
Gayunman, nakapagtala pa rin ang DOH ng 24 na panibagong bilang ng namatay sa sakit.
Sa kabuuan, aabot na sa 23,199 ang aktibong kaso ng Covid-19.
Dahil dito, naitala na ng ahensya ang kabuuang3.682 milyong kaso ng sakit mula nang magsimula ang pandemya sa bansa.
Sa kabila nito, binalaan pa rin ng DOH ang publiko na sumunod saminimum public health standards dahil sa inaasahang kumpulan ng mga bakasyunitangayong Semana Santa.