Nananawagan ang Kabataan party-list sa Department of Education o DepEd na ibalik ang pagtalakay ng Kasaysayan ng Pilipinas sa asignaturang Araling Panlipunan sa Junior High School matapos itong mawala dahil sa pagpasok ng K-12 curriculum.

Ayon kay Kabataan party-list National President at first nominee na si Raoul Manuel, dapat umanong ibalik ang pagtuturo ng Philippine history sa mga mag-aaral ng JHS na tinanggal sa K-12 program at mas napalala pa dahil sa pagsasagawa ng online classes dulot ng pandemya.

Sa JHS kasi, hindi na tinatalakay ang kasaysayan ng Pilipinas. Sa Grade 7, ang tuon ng asignaturang Araling Panlipunan (Social Studies) ay Asian History, sa Grade 8 naman ay World History, sa Grade 9 ay Economics, at sa Grade 10 naman ay Contemporary Issues.

Sa Senior High School naman, mas nakatuon ang pag-aaral sa Philippine Politics at sa iba pang larang na kaugnay nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isa ang Kabataan party-list sa mga nadismaya sa trending na history quiz bee sa reality show na 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Teen Edition kung saan mali-mali ang sagot ng mga housemate sa pinakamahabang tulay sa Pilipinas, compound name ng tatlong paring martir (na ginawang MAJOHA sa halip na GOMBURZA), at palayaw ng itinuturing na Pambansang Bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/11/slex-at-gomburza-trending-dahil-sa-pbb-mga-netizen-nanawagan-sa-deped/">https://balita.net.ph/2022/04/11/slex-at-gomburza-trending-dahil-sa-pbb-mga-netizen-nanawagan-sa-deped/

"The disappointing PBB episode exposes the rotten state of our educational system that prioritizes the mechanical completion of never-ending requirements and deadlines, blind obedience and profits over the development of a critical, socially engaged and patriotic citizenry," saad ng Kabataan sa isang pahayag.

Matatandaang isinulong ni Kabataan Rep. Sara Elago ang House Bill 8621 na ibalik ang pag-aaral ng kasaysayan ng Pilipinas sa K-12 curriculum.

Maging si PBB host Robi Domingo ay nagbigay rin ng saloobin tungkol dito.