Ipinaliwanag ni Asia's Fearless Diva Jona Viray sa social media ang mga dahilan niya kung bakit si Vice President Leni Robredo ang kaniyang sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo.

Isang certified Kakampink si Jona at nakapagtanghal na rin sa isa sa mga campaign sortie ng Leni-Kiko tandem. Dati raw, isa siyang 'apolitical' pero nagbago na raw ito.

https://balita.net.ph/2022/02/13/jona-viray-bumirit-sa-naganap-na-pink-sunday-in-endorso-ang-leni-kiko-tandem/">https://balita.net.ph/2022/02/13/jona-viray-bumirit-sa-naganap-na-pink-sunday-in-endorso-ang-leni-kiko-tandem/

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

https://twitter.com/MsJ0NA/status/1514239649371529219

"Mahusay, masipag, matapang, humaharap sa mga pagsubok, may malinaw at konkretong plano, at ang pinakamahalaga sa lahat, may puso--- tapat, transparent at walang bahid ng korapsiyon at katiwalian, na pinakita niya sa atin for the past 6 years bilang bise presidente."

"Noong mga nakaraang taon sobra tayong nagagalit kapag may mga issue ng corruption, mismanage ng funds ng ilang mga government agencies and officials, injustices lalo na sa mga mahihirap, mga inactions, at walang konkrentong plano sa pagtugon sa pandemya."

"Pero si @lenirobredo nagsusumigaw ang kanyang track record at presensiya (which I searched for and read). Marami siyang nagawang programs despite her office being given limited budget. Marami siyang natulungan. Ito yung totong public servant para sakin. May diskarte, may puso."

Sa isa pang tweet, ibinahagi niya ang litrato nila ni VP Leni. Ipinagdiinan ni Jona na boluntaryo at walang bayad ang pagsama niya sa mga campaign rallies.

"Tapat na nagsisilbi. Kaya sumasama ako sa ilang campaigns willingly, voluntarily at walang bayad. Dahil naniniwala ako sa Gobyernong Tapat, Angat Buhay Lahat," pahayag pa niya.

https://twitter.com/MsJ0NA/status/1514239677737627667

Makikita rin ang post na ito sa kaniyang Instagram.

Kamakailan lamang ay nagpahayag na rin ng pagsuporta si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual kay VP Leni, sa kabila ng mga chikang nasa panig siya ng UniTeam.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/11/piolo-pascual-certified-kakampink-si-leni-robredo-ang-presidente-ko/">https://balita.net.ph/2022/04/11/piolo-pascual-certified-kakampink-si-leni-robredo-ang-presidente-ko/

Makalipas ang isang araw, si 'Dyosa' Anne Curtis naman ang naglabas ng kaniyang social media post na sumusuporta kay VP Leni na tinawag niyang 'A Mother's Love'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/anne-curtis-opisyal-nang-inendorso-si-vp-leni-a-mothers-love/">https://balita.net.ph/2022/04/12/anne-curtis-opisyal-nang-inendorso-si-vp-leni-a-mothers-love/