Hindi pinapayagan ang kampanya ngayong Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Batay sa Resolution No. 10730 o ang “Implementing Rules and Regulations of the Fair Elections Act in connection with the May 2022 polls” ng Commission on Elections (Comelec), ang pangangampanya ay ipagbabawal sa Abril 14 (Maundy Thursday), Abril 15 ( Biyernes Santo), Mayo 8 (Bisperas ng Araw ng Halalan) at Mayo 9 (Araw ng Halalan).

Sa isang panayam, pinaalalahanan ni Comelec Commissioner George Garcia ang mga kandidato na ang pangangampanya tuwing Semana Santa ay kinokonsiderang election offense.

“What awaits them, more importantly, is disqualification and imprisonment,” aniya.

Maliban sa ipinagbabawal, sinabi ni Garcia, ang pangangampanya ay mag-iiwan ng "masamang imahe sa mga botante."

Pagkatapos ay hiniling niya sa mga kandidato na itigil pansamantala ngayong Holy Week ang panunuyo sa mga botante dahil ito ay oras ng pagmumuni-muni, panahon ng mataas na espirituwalidad.

Leslie Ann Aquino