Ibinida ng giant leaf artist mula sa Gandara, Samar na si Joneil Calagos Severino ang kaniyang artwork na nagpapakita ng mukha ni Hesukristo, para sa paggunita ng Semana Santa.

Sa halip na Giant Alocasia Macrorrhizos Leaf o kilala rin bilang Badjang Leaf na madalas na nakikita sa kanilang lalawigan, lalagyang foil ng chichirya o junk food ang ginamit niyang materyal para dito.

No description available.
Larawan mula kay Joneil Severino

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

No description available.
Larawan mula kay Joneil Severino

Aniya, isang oras niyang ginawa ang naturang likhang-sining. Ginawa niya ito bilang pagpapahalaga sa paggunita ng pagsasakripisyo, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesukristo na siyang Tagapagligtas.

Matatandaang sumikat si Severino matapos gawan ng giant leaf art ang mga sikat na personalidad na sina Mel Tiangco, Mike Enriquez, Vicky Morales, Atom Araullo, Jessica Soho, Doc Willie Ong, at Willie Revillame. Sila ang ginamit nilang modelo dahil idolo raw nila ang mga nabanggit na mga celebrities.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/07/26/mukha-ng-mga-sikat-na-celebrities-inukit-sa-malaking-dahon-ng-mga-young-artists-sa-samar/">https://balita.net.ph/2021/07/26/mukha-ng-mga-sikat-na-celebrities-inukit-sa-malaking-dahon-ng-mga-young-artists-sa-samar/

Isang posporo artist si Joneil subalit hindi siya tumitigil sa pagsubok sa iba pang mga medium para mailabas ang kaniyang talento sa sining.

“Gusto din po naming maka-inspire sa kabataan ngayon na maging creative sa mga bagay-bagay na makatutulong na maging productive, at mag-improve sa anomang nakakapagpasaya sa kanila,” ani Joneil.

May be an image of text that says 'OK 9 NRSS VICKY ATOM MEL MIKE MUKHA NG MGA SIKAT NA CELEBRITIES INUKIT SA MALAKING DAHON NG MGA YOUNG ARTISTS SA SAMAR Balita'
Joneil Severino (Larawan mula sa Balita Online)

Gumugugol sila ng halos isang oras upang matapos ang isang kahanga-hangang giant leaf art.