Aabot sa 625 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng ₱4,250,000 ang nasamsam ng pulisya sa ikinasang buy-bust operation sa Taguig City nitong Miyerkules ng gabi.
Nakakulong na sa District Drug Enforcement Unit ang mga suspek na nakilalang sina Amerigo Baldos, 39; Benedicto Barcelona, 50; Johncin Ochea, 24; at Francis Barcelona, 24, pawang high-value target ng pulisya.Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg, isinagawa ang anti-illegal drug operation ng pulisya sa 83 Labaoo St., Brgy. Ligid-Tipas dakong 7:35 ng gabi na ikinaaresto ng apat na suspek.
Naniniwala ang pulisya na ang apat na suspek ang nagsusuplay ng iligal na droga sa Metro Manila at sa karatig-lalawgan.
Nakumpiska sa mga ito ang naturang halaga ng shabu, drug paraphernalias at personal na gamit.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.