Walang internal conflict sa loob ng Commission on Elections (Comelec).

Ito ay ayon kay Comelec Commissioner George Erwin M. Garcia sa gitna ng mga kontrobersiya na bumabalot sa pagbibitiw ni Commissioner Soccoro B. Inting bilang chairperson ng Committee on Firearms and Security Concerns (CFSC).

“So, ang aking pakiusap maniwala po kayo, sa akin po kayo maniwala, wala pong internal [conflict] whatever,” aniya sa isang panayam sa telebisyon.

Aniya, ang focus ng poll body ay sa darating na May 2022 elections.

National

VP Sara sa kaniyang plano sa politika: ‘It is always God’s purpose that shall prevail!’

Noong Martes, Abril 12, isang araw matapos bumoto ang Comelec en banc ng 4-3, na nagbigay ng kapangyarihan kay Comelec Chairperson Saidamen B. Pangarungan na magbigay ng gun ban exemptions.

Sa pahayag ni Inting sa mga mamamahayag, sinabi niyang ang kanyang pagbibitiw ay isang anyo ng "passive protest."

“I am a justice by heart than a Comelec commissioner. I will maintain a dignified silence,” ani Inting.

Jel Santos