Sumabak na nga kamakailan sa screening at registration ang tinaguriang Hipon Girl at Kapuso comedienne na si Herlene Nicole Budol sa Binibining Pilipinas 2022 last April 8. Kapag nakapasok siya bilang isa sa mga finalists tiyak ang bagong journey na tatahakin ni Herlene at malamang sisiguraduhin niyang ready and prepared ang kanyang awra sa tulong ni Rodin Gilbert Flores ng Kagandahang Flores family at ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Ang tanong, handa na rin ba siya sa question and answer portion ng Binibining Pilipinas na kadalasan ay English ang binabatong katanungan sa bawat kandidata? Ito kasi ang highlight at inaabangan ng mga pageant fanatics kung paano itatawid ng mga candidates ang sagot sa tanong ng mga judges.

Knowing Herlene first language niya talaga ang tagalog. Aminado siyang hirap siyang intindihin ang English ng karamihan. Kaya naman sa kanyang Instagram ay naglabas siya ng saloobin ukol dito.

Sey niya, “Nabasa ko lang po eto sa isang pageant group. Opo, indi ko po eto ikahihiya naiyak ako dahil sa english. but it doesnt mean hanggang dyan nalang si Hipon girl nyo. Hindi ko pipilitin ang mag-Ingles. Wikang Filipino po ang gagamitin ko.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

“This will inspire me to pursue my dreams. Hanggat may buhay may pag-asa! magkalat man ako o indi may Hipon mag tatak sa entablado! Sobra akong na touch sa mga magagandang comment nyo sa akin. Ngayon palang gusto ko mag pasalamat sa buong Hiponatics, KaBudol, KaSquammy, KaFreshness, Kainutz sa supporta nyo sa akin. Taas noo ko isisigaw Herlene Nicole Budol, 22, from Angono Rizal, Felepens!!”

Sinang-ayunan naman ito ng mga netizens dahil mababasa ang todo suporta sa kanya ang mga netizens nang magcomment ang mga ito sa kanyang Instagram. Ang sabi nga ng isa, “Kung sakaling makakapasok ka sa Q&A Herlene. Don’t hesitate gumamit ng interpreter. Magtagalog ka. Walang masama dyan sa pagsagot ng sarili nating wika.” Hirit pa ng isa, “Hindi kagalingan ng pag-eenglish ang batayan ng katalinuhan go Herlene kaya mo yan!” Sundot pa ng isa, “Un ibang bansa nga may interpreter pero nanalo laban lang.”

Samantala ibinahagi rin ni Herlene sa kanyang Instagram na naaliw daw sa kanya si Karen Davila nang ito’y interviewhin dahil sa kanyang pagiging squammy approach. Pagsisiwalat ni Herlene kay Karen daw niya unang na-ichika na sasali siya Binibining Pilipinas. Well, good luck Herlene! Yun na!