Mainit na naging usap-usapan sa social media ang ibinahaging video ng aktor na si Baron Geisler kung saan makikitang nagtatalo sila ng misis na si Jamie Evangelista dahil sa paglalasing na naman ng una kasama ang 'sugar mommy' nito; makikitang hinagisan pa ni Jamie ng water jug si Baron na naging dahilan upang matapunan ng tubig ang kama nila.

Burado na ang naturang video na inupload mismo ng aktor sa kaniyang Facebook account.

Kinumpirma mismo ni Jamie na tila bumabalik na naman sa malalang pagtoma ang mister kaya binabalak nitong magpa-rehab ulit.

Nagpadala raw ng mensahe kay Ogie Diaz si Jamie at inamin nga nito na noong 2021 pa pala sila nagkakaproblema ni Baron tungkol dito. May kaibigan daw si Baron na tinatawag na 'sugar mommy' na siyang nag-aaya ng inuman sa mister.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Last Saturday, uminom siya knowing may trabaho siya sa Manila on Monday. We were scheduled to leave Sunday morning, pero obviously we missed the flight kasi nga umiinom siya," paliwanag ni Jamie sa video ng pag-aaway nila ng mister noong Abril 2.

“He messaged me na he was ready to fly na Sunday night, pero when I went to the hotel umiinom pa rin. Kaya nagalit na ako kasi ilang ticket na ang nasayang. I’ve been very patient and forgiving for how many years so napuno na siguro ako,” pag-amin ni Jamie.

Tatlong araw na raw umiinom si Baron na nagbunga ng depresyon dito lalo't nagbanta si Jamie na ipapa-detox niya ulit ang mister sa rehab. Humingi naman siya ng dispensa sa mga taong naapektuhan sa napanood nilang video.

“I apologize for my inappropriate behavior doon sa video. I’m still hoping and praying na ma-overcome niya talaga ang addiction niya sa alcohol in God’s perfect timing,” saad ni Jamie kay Ogie.

Nangako naman ang asawa na muling magpapa-rehab, “Intindihin na lang natin kasi may chemical imbalance na talaga siya. Pero he also has to help himself.”

Noong Abril 4, matapos ang viral video, nag-post naman sa Facebook si Baron at sinabi niyang isa siyang "terrible person."

Matatandaang noong Pebrero 2022 ay naging usap-usapan ang Facebook post ni Jamie kung saan tila nanggagalaiti siya sa isang baguhang aktres o 'starlet' na nag-book umano ng kotse para sa kaniyang asawang aktor na susundo rito, upang makapag-inuman sila sa bahay nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/26/starlet-tinalakan-ng-misis-ni-baron-geisler-nagpa-book-ng-kotse-nag-aya-raw-ng-inuman-sa-bahay/">https://balita.net.ph/2022/02/26/starlet-tinalakan-ng-misis-ni-baron-geisler-nagpa-book-ng-kotse-nag-aya-raw-ng-inuman-sa-bahay/

“Booking a car for a married man to go drinking at your place ain't cool. It is very unbecoming of a single Christian woman. I support and respect my husband's craft, but I don't tolerate such disrespect. So, let's keep it professional," unang pasabog ni Jamie.

Pinarangalan din ni Jamie ang Viva Artist Agency.

"Kabit sa movie, nadala in real life," dagdag pa ng ginang. Tinawag pa niyang 'starlet' ang tinutukoy na aktres.

"I suggest you train your talents/starlets to learn how to get out of character, Viva Artists Agency."

"This post is to encourage setting boundaries. I don't intend to humiliate anyone, but I value my mental health and my family. Wrecking a family shouldn't be an avenue to get famous, breast exposure and being fucked on screen should be enough. Know your place."

Hindi rin nagtagal ang pagkakabalandra ng kaniyang talak post dahil kaagad niya itong binura. Kaibigan daw niya ang nasasangkot at tila nagkaayos na sila.

"Thank you for your kind words, friends. I'm sorry to vent my frustration here, so classless of me. However, I considered her my friend, and she is aware that my husband has a drinking problem."

Nakiusap naman si Jamie na huwag i-bash ang naturang baguhang aktres. Sana raw ay naiintindihan ng kapwa niya mga babae kung bakit siya sumabog nang ganoon, lalo't kakakasal lamang nila ni Baron noong 2019 sa pamamagitan ng civil wedding. Unti-unti na rin umano ang pagbabago ni Baron at pagtalikod sa mga dati nitong gawi.

"I sent her a personal message to no avail, so I had to get my message across. I know a lot of women can relate to my situation. Please don't bash her, she is a nice person. Maybe she just wasn't thinking right. Praying God will take away the anger in my heart," paliwanag pa ni Jamie.

Napag-usapan naman ito sa latest vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh na 'Showbiz Update'. How true ang source ni Ogie na hindi pa raw talaga kinalilimutan ni Baron ang pag-inom ng alak? Pautay-utay daw pero hindi na ganoon kalala, kagaya ng dati.

"Pag nakainom talaga si Baron, parang dire-diretso eh… akala ko kasi talagang complete withdrawal na eh," ispluk ni Ogie Diaz mula naman sa kaniyang reliable source.

Samantala, ang buradong FB post ni Mrs. Geisler ay naka-tag sa mismong mister niyang si Baron, at sa kasama nitong aktres na si Janelle Tee, sa pelikulang 'Pusoy' na mapapanood sa Vivamax.

Mukhang hindi naman apektado asi Baron sa ginawang 'pasabog' ng misis. Ibinahagi niya sa IG ang litrato nila ni Janelle Tee gayundin ang kanilang mga nakatrabaho sa set ng pelikula. Makikita na nakasandal si Janelle kay Baron habang nakahawak naman ang kamay niya sa bandang tiyan nito, 'in character'.

"Maraming Salamat po sa lahat! Nag tatrabaho lang po para sa pamilya. I value my family so much. Sobrang supportive ng asawa ko basta maayos lang. GODSPEED!," saad ni Baron sa comment section ng kaniyang Instagram account.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/02/28/baron-geisler-pinasalamatan-ang-misis-sa-kabila-ng-ispluk-nito-i-value-my-family-so-much/">https://balita.net.ph/2022/02/28/baron-geisler-pinasalamatan-ang-misis-sa-kabila-ng-ispluk-nito-i-value-my-family-so-much/

Noong 2021 ay ikinatuwa ng mga netizen ang malaking pagbabago sa aura at mga gawi ni Baron kaya hiling ng mga tagahanga niya na huwag na sanang bumalik sa dati ang mahusay na aktor.

Nag-isang dibdib sina Baron at Jamie noong Setyembre 12, 2019 sa civil wedding na ginanap sa Quezon City Hall. Psychologist ang trabaho ni Jamie at nagkrus ang mga landas nila ni Baron sa isang rehab center sa Cebu noong 2018.