Trending sa Twitter ang 'Araneta Coliseum' ngayong Abril 13, hindi dahil sa venue ito ng kahit na anomang political party para sa pangangampanya, kundi dito gaganapin ang muling pagbabalik ng 'Star Magic All-Star Games' sa darating na Mayo 22, 2022.
Matapos ang dalawang taong pansamantalang pagtigil dahil sa pandemya, muli na ngang nagbabalik ang salpukan sa basketball ng ilang mga Kapamilya stars, ayon sa opisyal na social media platforms ng Star Magic Phils., ang talent management arm ng ABS-CBN.
"STAR MAGIC and ABS-CBN EVENTS brings you back the biggest and the most star studded celebrity sports event! #STARMAGIC30ALLSTARGAMES. Witness your favorite kapamilya stars play Badminton, Volleyball and Basketball!"
"Be with us and cheer for your favorite Kapamilya stars this May 22, 2022 at the Araneta Coliseum. Games start at 8am. You may buy your tickets now via http://tickenet.com.ph. Please make sure to review the venue safety and health protocol guidelines before purchasing the tickets," saad sa caption.
Sa basketball, maghaharap-harap ang Team Showtime, Star Magic Dream Team, Star Hunt Team A at B, at Star Magic New Breed. Magsisilbing team muse naman sina Belle Mariano, Lou Yanong, Samantha Bernardo, at Alexa Ilacad.
Para naman sa volleyball, maghaharap-harap ang Star Magic Lady Spikers at Star Hunt.
Magkakaroon din ng Badminton men's doubles at mixed doubles.
Abang na abang na ang mga tagahanga ng mga Star Magic artists sa naturang event.