Nakapanayam ni showbiz columnist Ogie Diaz ang kaniyang kumareng si Mariel Rodriguez-Padilla, misis ni senatorial candidate Robin Padilla sa 'Ogie Diaz Inspires' na may mahigit 2M views na.
Isa sa mga nauntag ni Ogie ay ang pagla-live selling ng dating Pinoy Big Brother o PBB host. Nainggit daw ba si Mariel sa mga napapanood niyang live selllers?
Pag-amin ni Mariel, talagang mahilig siyang manood ng live selling at isa rin siyang miner o nagma-mine at bumibili sa mga itinitindang items.
Gabi-gabi raw ay talagang nanonood si Mariel ng mga live selling, na umaabot pa siya ng 1:30 ng madaling-araw dahil dito.
Naisaloob daw ni Mariel na kaya rin niyang gawin ito dahil nag-eenjoy siya at marami siyang gamit. Isa pa, gusto raw talaga niyang gawin.
Mga bags daw ang kadalasan niyang binibili sa live selling, pero paglilinaw niya, hindi ito kasama sa mga ibinebenta niya kapag siya naman ang kumukuda sa harapan ng camera. Ang ibinebenta niyang mga bagelya ay mga matatagal na at hindi na niya nagagamit. Sa madaling salita, mga napagsawaan na niya, pero magaganda pa naman at puwedeng-puwede pang magamit ng ibang tao.
Sunod na tanong ni Ogie, totoo ba ang chika na kaya siya nagla-live selling ay para makatulong sa pangangampanya ng kaniyang mister na si Robin Padilla?
Oo naman ang sagot dito ng misis ng kandidato sa pagkasenador. Karamihan daw sa mga napagbentahan niya ay ipinampapagawa niya ng tarpaulin ni Binoe, o kaya naman ay pinampapagawa ng campaign shirt.
Ginagawa niya ito dahil gusto niya at hindi dahil kailangan.
"Gusto ko… but wala naman talaga kaming money for that, for those things… paglilinaw ni Mariel.
Matatandaang naging usap-usapan ang bonggang-bonggang live selling ni Mariel sa kaniyang mga mamahaling bags at maging shoes, na talaga namang dinagsa ng miners, noong Marso 15 ng gabi.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/16/mariel-mas-hinihimas-pa-raw-ang-bags-at-sapatos-kaysa-kay-robin-live-selling-dinagsa-ng-miners/">https://balita.net.ph/2022/03/16/mariel-mas-hinihimas-pa-raw-ang-bags-at-sapatos-kaysa-kay-robin-live-selling-dinagsa-ng-miners/
Ayon kay Mariel, bagsak-presyo na ang mga item na kaniyang itininda, na karamihan ay nabili niya noong 'hoarding days' pa niya. 'Pikit-mata' na nga lang daw siya dahil ang ilan sa mga ibinebenta niya ay may sentimental value pa, na ang iba ay limited edition pieces pa.
Hindi lamang sa Pilipinas ang miners ni Mariel kundi maging sa ibang bansa pa. Free shipping na nga ang offer niya.
"Thank you soooooooooo much!!!! Big big big big thanks to everyone who participated in last night’s live selling!!! So happy because nagustuhan niyo ang bagsak presyo items from my hoarding days," pasasalamat ni Mariel sa isang Facebook post nitong Marso 16, 2022.
"Thank you!!!! Apologies because it was so hard for me because ang daming comments I couldn’t read all. Hopefull, I can find more items here hahaha and we will have a part 2 because i know may maibubuga pa ako in the meantime I ask for your patience because my team is currently answering all your messages. Please bear with us!!! Suuuuuuuuper thanks!!!" aniya.
Bukod dito, inabangan din talaga ang kaniyang mga pa-give aways na hindi rin basta-basta, gaya ng Valentino, Louis Vuitton, Dolce & Gabbana, Hermes, Prada at Dior.
Samantala, mapapansin naman na panay komento ang kaniyang mister na si Robin habang nagsasagawa ng live selling ang misis. Mukhang ang pagbebentahan umano sa mga pre-loved items ni Mariel ay mapupunta sa mga gastusin sa pangangampanya nito, na alam naman ng lahat na hindi biro at talagang nangangailangan ng malaking halaga. Pabiro pang banat ni Robin, mukhang nakatulong pa ang kandidatura niya upang lumuwag ang dressing room ng misis.
Narito ang ilan sa mga komento ni Robin kay Mariel na na-screengrab ng mga netizen at usap-usapan na ngayon sa TikTok.
"Bakit ka mag-live selling? Pang-taurpaulin ba 'yan at pang-tshirt? Hindi na kaya ng 'Cooking ng Ina' food market ang gastos?"
"Mabigatan na 'yan ah pati mga nasa baul lumabas na. Ano ba 'yan babe pang-TV ad ba 'yan?"
"Babe, gastos pala sa kampanya ang solusyon para lumuwag ang dressing room mo."
"Yehey, isang positibong epekto ng pagkandidato ko."
"What wife can sacrifice in the name of support."
"Babe hindi ako makapaniwala na ginagawa mo ito ngayon, nakakuadro ang mga gamit mo na 'yan, mas nahihimas mo pa nga kaysa sa akin ang mga bag at sapatos mo…"
Sa dulo ng live selling, inamin ni Mariel na mahirap palang gawin ito at nakakapaos ng boses.
"Mahirap pala maging online seller, kakapaos", nasabi na lamang ni Mariel matapos dagsain ng mga miners hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/16/mariel-napaos-para-kay-robin-may-napagtanto-mahirap-pala-maging-online-seller-kakapaos/">https://balita.net.ph/2022/03/16/mariel-napaos-para-kay-robin-may-napagtanto-mahirap-pala-maging-online-seller-kakapaos/
Nairaos naman ito ni Mariel dahil sanay na sanay naman siyang bumangka talaga, yamang isa siyang TV host at kalog din.
Isa sa mga nanonood at sumusuporta kay Mariel sa live selling ay si Megastar Sharon Cuneta.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/03/sharon-bilib-sa-live-selling-ni-mariel-tuwang-tuwa-ako-sa-yo-bebe-ang-galing-natututo-ako/">https://balita.net.ph/2022/04/03/sharon-bilib-sa-live-selling-ni-mariel-tuwang-tuwa-ako-sa-yo-bebe-ang-galing-natututo-ako/