Nilinaw ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na hindi pa dapat na ikabahala ang pagkakadiskubre ng dalawang bagong sub-variants ng Omicron na natukoy sa ilang lugar sa mundo, kabilang ang Africa at Europa.
Ang naturang bagong sub-variants na BA.4 at BA.5 ay pinag-aaralan na ngayon ng World Health Organization (WHO).
“Although there have been detected cases in South Africa, Botswana, Belgium, Denmark and the UK, this should not be any cause of concern,” anang DOH.
“There are also early indications that these new sub-lineages are increasing as a share of genomically confirmed cases in South Africa. There are currently no reported spike in cases, admissions or deaths in South Africa,” ayon sa ahensya.
Sa ngayon ay wala pa ang resulta mula sa pinakahuling genome sequencing noong nakaraang buwan.
Wala pa rin umano silang natutukoy na Omicron XE sa bansa.
Una nang sinabi ng ahensiya kamakailan na ang naturang sub-variant ay kumbinasyon ng BA.1 at BA.2, na siyang predominant sa buong mundo at higit itong mas nakahahawa kumpara sa ibang COVID-19 variant.