Itinuro ni Vice President Leni Robredo nitong Martes, Abril 12, ang kampo ni dating Senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang nasa likod ng mga fake news at malisyosong pag-atake laban sa kanya at sa panganay na anak na si Aika.

Sa isang panayam sa media, sinabi ng Bise Presidente na si Marcos ay "consistent" umano sa pagpapalaganap ng fake news laban sa kanya noong 2016 sa pamamagitan ng paggamit ng mga "influencers."

Napansin niya na noong tumaas ang bilang ng survey niya noong 2016 vice presidential race saka umano siya pinuntirya ng kampo ni Marcos.

“Oo naman, oo naman kasi ginawa na niya sa akin since 2016, consistently ginagawa ‘yun sa akin since nag-pick up ‘yung numbers ko noong 2016 elections," ani Robredo.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

"Nakikita naman natin ‘yung mga nakapaligid sa kaniya, ito din ‘yung mga ginagamit niyang mga influencers hanggang ngayon. Hindi ako hinintuanover the last six years," dagdag pa niya.

Ayon pa sa presidential aspirant, inaasahan na ang ganitong uri ng pag-atake mula sa kabilang kampo.

“Kung papano sila lumaban ngayon, ganoon din pag nakaupo na sila. Puno ng kasinungalingan, puno ng dumihan," aniya.

“Dapat ang i-highlight na lang nila ‘yung kabutihan nila saka ‘yung kaya nilang gawin. Siguro kaya nag-reresort sa fake news kasi wala na talagang masabing maganda tungkol sa kanila," dagdag pa niya.

Gayunman, naniniwala siyang magtatagumpay ang kabutihan laban sa kasamaan at pipiliin ng mga tao ang "katotohanan."

Nitong Lunes, Abril 11, may mga post na kumakalat tungkol sa umano'y porn video ni Aika.

Sinabi rin ng Bise Presidente na ang mga maling alegasyon, kabilang na ang pag-solicit niya umano ng pera para sa kanyang anti-drug programs, ay hindi makahahadlang sa kanyang pangangampanya.

Inihahanda na ng kanilang mga abogado ang mga legal actions laban sa mga nagpapakalat ng malisyosong post tungkol kay Aika.

“Oo kasi hindi ako hihinto dahil sa mga fake news. Hindi ako mag we-waste ng time para sagutin lang ‘yan kasi in the first place hindi naman totoo," dagdag pa ng bise presidente.