Isang larawan bilang resibo ang ibinahagi ni multimedia producer Noel Ferrer para pabulaanan ang naging pahayag ni Claudine Barreto sa umano'y pagtingala ng yumaong si Rico Yan sa mga Marcos.

Isa si Ferrer sa mga umalma sa naging pahayag ni Claudine matapos banggitin nito sa kanyang political choice ang namayapang si Rico Yan.

Nauna nang binatikos ng ilang netizens ang umano’y pagkaladkad ng dating kasintahan kay Yan sa politika dahilan para mag-trend sa Twitter ang pangalan ng yumaong aktor umaga ng Martes, Abril 12.

Basahin: Mga netizen, sinita si Claudine; ‘wag daw “kaladkarin” pangalan ni Rico sa pagiging BBM supporter – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Saad kasi ni Claudine sa Instagram, “Rico looked up to these people. Our whole family is BBM only Marjorie and her kids are Leni. Tita Sita Yan and I and my mom BBM [Bongbong Marcos] rin po. Pls let us all respect everybody, Stay safe and God bless all of us.”

Isang resibo naman ang inilabas ni Ferrer upang pabulaanan ang saad ng aktres ukol sa pagtingala umano ng aktor sa mga Duterte at kay Presidential candidate Bongbong Marcos Jr.

“FACT CHECK. I was with Rico Yan at the EDSA People Power Anniversary that celebrated the overthrowing of the dictator plus his family and cronies,” mababasa sa parehong Facebook at Instagram post ni Ferrer.

Pakiusap niya, “Let us not use his memory in vain or for personal gains. Rico - and his family for that matter, deserve better.”

Kasalukuyang wala pang tugon o reaksyon si Claudine sa reaksyon ng publiko kaugnay ng kanyang pahayag.