Nabanas umano ang ina ni Kapamilya actress Francine Diaz kina Andrea Brillantes at Seth Fedelin dahil sa mga isyung kinasasangkutan nito, na nakakapagpadamay raw sa kaniyang nananahimik na anak.

Nitong Abril 12 ay inilabas umano ni Merdick Diaz ang kaniyang saloobin kina Andrea at Seth na parehong binasag ang kanilang katahimikan sa pamamagitan ng Instagram Live, dahil sa pagiging taken na ni Andrea nang mag-propose dito ang UP Fighting Maroons basketball star na si Ricci Rivero noong Abril 9, sa SM Mall of Asia Arena.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/">https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/

Mababasa sa mahabang Facebook ang ganito:

Teleserye

Trailer ng 'Saving Grace,' nagpaluha sa netizens

"Nananahimik anak ko tigil-tigilan mo na anak ko, manahimik ka na'wag mo ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo!!!" Baka magkaalaman tayo hangga't maaari ayaw ka patulan! Puro pang-unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko, namin alang-alang sa ikatatahimik ng lahat sa tuwing nababash ka, kayo lagi ninyo dinadawit ang anak ko. Hindi porket hindi kami sumasagot at kumikibo hindi ibig sabihin na OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!" pahayag ni Merdick.

Maya-maya, si Seth naman ang tinalakan nito.

"At ikaw Seth sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturing mong kaibigan anak ko! Na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kayo nang maayos at totoo pero ano ginawa n'yo!"

Maya-maya, muli itong bumalik kay Andrea.

"ANDREA BRILLANTES GALIT NA GALIT KA SA ANAK KO!! na wala naman ginawa sayo! Ikaw nag-umpisa ng sasabihin mo sasagutin ko lahat ng sasabihin mo ngayon sa social media SOBRA KA NA!! Hindi na ako papayag na lagi mo na lang binubully anak ko kayo! Sinong nanay at magulang na papanoorin mo na lang na lagi inaaway at binubully anak ko! Lahat ng pang-unawa at pag-iwas ginawa namin sayo, sa inyo!! Alam n'yo 'yan!"

Screengrab mula sa FB/Merdick Diaz

Makalipas ang ilang sandali, tila nahimasmasan naman si Merdick at humingi ng dispensa sa kaniyang ginawa.

"Bilang isang magulang nasasaktan din kami sa mga sinasabi n'yo na hindi maganda sa anak ko. Kaya pumutok na ako nang ganito dahil hindi ko kinaya na siguro naman naintindihan n'yo bilang isang ina, maging happy na lang tayo, salamat sa taong nagpakalma sa akin, at mas maraming bagay na dapat ipagpasalamat namin," aniya.

Screengrab mula sa FB/Merdick Diaz

Hindi na makita sa FB ni Merdick ang kaniyang FB post subalit naging mabilis at maagap ang mga netizen na makapag-screengrab nito at kumalat na nga sa social media.

Nagbigay rin umano ng kaniyang saloobin ang pinsan umano ni Francine tungkol sa isyu.

Screengrab mula sa FB/Christle Saenz

Nitong Abril 11 ay inamin ni Andrea na nagkaroon sila ng relasyon ni Seth at inamin din niyang ikinaselos niya ang mga larawan nina Seth at Francine noong Enero 2022.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/12/andrea-brillantes-binasag-na-ang-katahimikan-tungkol-sa-kanila-ni-seth-fedelin/">https://balita.net.ph/2022/04/12/andrea-brillantes-binasag-na-ang-katahimikan-tungkol-sa-kanila-ni-seth-fedelin/

Samantala, wala pang tugon ang kampo nina Andrea at Seth o maging ang Star Magic tungkol dito.