Sa bagong episode ng "Carpool with Macoy Dubs" na inilabas ng social media influencer at TV host na si Mark Averilla o mas kilala bilang 'Macoy Dubs' naging grab driver ito ng senatorial aspirant at human rights lawyer na si Chel Diokno.

"Tayo po ay namamasukan ngayon bilang grab driver… At bilang grab driver ako, kailangan ko ng pasahero at meron tayong first passenger. Antayin natin siya," pagpapasimula ni Macoy nang sunduin nito si Diokno

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Habang nasa byahe, ginunita ni Diokno ang karanasan nito noong panahon ng Martial Law sa kamay ng diktaturya ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

"May mga life changing experience na nangyari sakin noong bata ako e. 'Yong una 'yong inaresto 'yung dad ko. Kasi 11 years old lang ako non nung pumunta 'yung mga sundalo sa bahay tapos they took him away for two years," pagbabahagi ni Diokno.

Aniya, noong Martial Law ay naranasan ang sobrang pait na lasa ng inhustisya. At lalong umigting ang kagustuhan nitong maging panyero noong pinalaya ang kanyang ama na ipinakulong noon.

"When my dad was released from prison. He really turned his back to politics and did all he could for people who are also victims of human rights violations," paggunita ng senatorial hopeful.

Binalikan rin ni Macoy ang parte ng buhay ni Diokno sa pagtuturo sa ilalim ng Ateneo Law School na umabot siya ng apat na taon at bilang dean sa De La Salle University (DLSU) Tañada-Diokno College of Law na umabot sa siyam na taon.

May sikreto namang binuking si Diokno kay Macoy na kung saan ay sinabi nito kung anong propesyon ang nanaisin niya kung sakaling hindi ito natuloy sa pagiging lawyer.

Aniya, "Siguro kung hindi ako naging lawyer, malamang I would have been a writer."

Dagdag pa ni Diokno, may mga salita siyang natanggap na nag-udyok sa kanya upang lumipat mula Ateneo patungong De Lasalle. Ito ay matapos sabihin ng kanyang mga kaibigan na nais nilang magtayo ng college of law na nakasentro sa human rights.

Inilarawan niya rin kung anong klase siyang propesor at kung ano ang nais niyang ituro sa mga estudyanteng kanyang hinahawakan.

"Hindi ako terror. I understand how it is to be a law student at nadaanan ko rin 'yung trauma ng pagre-recite — 'yung sisigawan ka — 'yung takot mo sa exams. To me kasi, you don't need to instill fear to teach, especially a subject like law. Kailangan ang dapat ngang ituro natin sa mga law student natin ay poise and composure — parang nasa beauty pagent ka rin diba. No matter what's happening, no matter the question that you did not anticipate, you have to have some inner confidence, and at the same time, the ability to think quickly on your feet," ani Diokno.

Ipinakilala rin niya ang tinitingala niyang mga personalidad sa larangan ng human rights tulad nila Lorenzo Tañada Sr., kanyang aman na si Jose Diokno, Dakila Castro, at Rodolfo Jimenez.

Tulad ng kanyang ama, nakakatanggap rin si Diokno ng death threats, subject for surveillance, iba't-ibang klase ng harrassment, at may bashing din.

Ngunit sa kabila ng mga ito, aniya, pinipili niyang maging "chel" lang gaya ang uri ng kanyang pagiging magulang na sinang-ayunan naman nila Inez at Pepe Diokno.

Hinggil naman sa people's campaign, naniniwala si Diokno na hindi lang basta sigaw ang nilalahad ng mga supporters nito kundi isa rin itong krusada ng mga Pilipino tungo sa pagbabago.

Aniya, "Kaya noong minsan napaisip ako noong meron kaming mahabang byahe sa car, bakit kaya sila humihiyaw nang ganon? It's not me as a person, hindi naman ako celebrity. Then, na-realize ko, malalim 'yung hugot ng paghihiyaw nila. Kasi may hinahanap sila sa ating bansa, na hindi nila nakikita. And doon ko na rin na-realize na 'yung hiyaw nila is really.. it's a cry for justice, for peace, for freedom in our country. And 'yon talaga ang nagdadala ng kampanya, paniwala ko e."

Bilang panapos, nag-iwan ng mensahe si Diokno sa mga "chelren" o taga-supporta niya.

"I am so appreciative and extremely grateful for everything you are all doing. Sa pag-iikot ko kasi, nakakausap ko 'yung mga cheldren natin, they are really going extra mile. Meron dyan hindi natutulog bago mag-rally dahil ginagawa nila 'yung mga campaign materials. Meron dyan gumagawa ng murals kahit na binubura, inuulit nila at ginagawa ulit. Meron dyan miski 'yung simpleng bagay lang na magdala ng pagkain sa rally o tutulungan 'yung mga volunteers natin. And it really shows that may puso itong kampanyang ito e."

Dagdag pa niya, "Talagang iba 'yung hangarin ng mga volunteers. It's not anymore the question who your candidate is e, it's a question of what kind of a future do they want."

Kaya naman para kay Diokno, kaisa siya ng mga Pilipino sa paghahangad ng bukas na may "kapayapaan, kalayaan, at katarungan."