Matapos ituro ni Presidential candidate at Vice President Leni Robredo ang kampo ng kanyang karibal na si Bongbong Marcos Jr. kaugnay ng ‘malisyusong’ pag-atake umano laban sa kanya at sa kanyang pamilya, pumalag ang tagapagsalita ng dating senador.
“Presidential frontrunner Bongbong Marcos’ net trust rating of 53% provides us with the motivation to continue with our positive way of campaigning,” anang tagapagsalita ni Marcos Jr. na si Vic Rodriguez.
Bagaman nakakuha ng 9 na puntos ng pagtaas, nanatiling pangalawa kay Marcos si Robredo sa pinakahuling Pulse Asia Survey.
Ito rin, ayon kay Robredo ang dahilan ng pinaigting na atake laban sa kaniyang pamilya. Matatandaang kinundena ng kanyang kampo ang umano’y pagpapakalat ng pekeng sex video ng panganay ni Robredo na si Aika.
Depensa naman ni Rodriguez, hindi na mapapaniwala ni Robredo at ng kanyang “yellow crew” dahil gising na ang mga Pilipino sa mga propaganda, kasinungalingan at politika ng panlilinalang.
“In the spirit of lent, I admonish you not to pass on to us your brand of fake, hateful, negative, and gutter politics,” saad ni Rodriguez.
Matatandaang naging bahagi rin ang mismong kapatid ni Marcos Jr. si Senator Imee Marcos sa kontrobersyal na "Lenlen" series na sa kabili ng giit nitong hindi politikal, ay tila pasaring sa karibal ni Marcos na si Robredo.
Kilala naman si Robredo sa mga maaanghang na pahayag nito laban kay Marcos kabilang ang mga paglalarawang “sinungaling” at hindi umano ito nagpapakita sa mga krisis.
Dagdag na buwelta ng tagapagsalita ni Marcos Jr, “Presidential frontrunner Bongbong Marcos has based his campaign solely on his call for unity anchored on the strengths and merits of his vision and platform for the future of our country, especially the youth that has resonated throughout the land and we shall keep it that way until the very end.”
Panghuli, nanawagan ang abogado na itigil na ni Robredo ang umano’y panlilinlang nito sa publiko.
Wala pang tugon ang kampo ni Robredo sa pag-uulat.