Sa mga oras na ito, sa mga social media post na kasalukuyang ipinapanawagan ng mga residente ang pangangailangan ng rescue team sa ilang bahagi ng Baybay City sa Leyte dahil sa mga ulat ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Sa tourism page na Discover Baybay City, ilang serye ng ulat sa kasalukuyang sitwasyon sa ilang barangay ang maya’t mayang ipinapaskil.

Sa ulat nitong ika-10:26 ng gabi nitong Lunes, nanawagan na ng rescue team ang ilang residente Brgy, Mahayahay kasunod ng pag-apaw umano ng kalapit na ilog.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ilang minuto lang, panibagong anunsyo ang inilabas nito kaugnay ng pagguho ng lupa sa Brgy. Bidlinan.

Sa kasamaang palad, ayon sa Baybay Emergency Response Unit (BERU), hindi pa passable ang mga sirang tulay sa ilang bahagy ng Baybay kabilang sa Brgy. Kabalasan at Brgy. Imelda.

Pinayuhan munang humanap ng pansamantalang evacuation area ang mga residente sa mga kalapit na lugar.

Isang residente rin ang nanawagan sa kanyang Facebook post ng tulong para ma-rescue ang mga taga-Brgy. Igang.

Kasalukuyang nagpapatuloy ang matinding pag-ulan sa lugar dulot pa rin ni Bagyong Agaton. Nauna nang naglabas ng heavy rainfall warning sa lungsod anGNational Disaster Risk Reduction and Management Council(NDRRMC) ika-8:30 ng gabi, Lunes.

Muli ring nawalan ng linya ng kuryente nitong ika-9:30 ng gabi ang malaking bahagi ng lungsod sa patuloy na sama ng panahon.

Sa pagkukumpirma ni Baybay City Police chief, Col. Jomen Collado nitong Lunes sa isang panayam sa telebisyon, nasa 22 na ang naitalang nasawi sa magkahiwalay mga landslide sa apat na barangay sa lungsod.

Basahin: Bagsik ni ‘Agaton’: 22 patay sa Baybay City, Leyte – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid