TACLOBAN CITY – Kinumpirma ni Leyte 5th Dist. Rep. Carl Cari ang 25 na nasawi at 105 ang nasugatan habang nananatili ang Tropical Depression ‘Agaton’ sa paligid ng Eastern Visayas at sinamahan ng Bagyong ‘Basyang’ na pumasok sa Philippine Area of ​​Responsibility nitong Martes, Abril 12.

Hindi bababa sa 150 katao ang naiulat na nawawala at maaaring tumaas pa ang bilang habang patuloy ang paghahanap at pagsagip sa gitna ng paputol-putol na pag-ulan.

“It is with a deeply saddened heart that I inform everyone of the unfortunate plight in the City of Baybay. It had rained non-stop for three days causing a massive landslide and 3 feet to 10 feet-high floods,” aniya.

Naiulat din ang malalaking landslide sa kahabaan ng By-Pass Road (Barangay Gaas Section), Villa Solidaridad, Kan-ipa, Amguhan, Punta, Kantagnos, Bunga, Mailhi, Bubon, at Barangay Gacat.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang kinatawan ay umaapela para sa pagkain, tubig, at damit para sa mga lumikas na pamilya na kasalukuyang nakatira sa mga evacuation center.

Ang mga Urban Barangay ay nag-ulat ng pagkaputol ng linya ng tubig, habang ang kuryente ay bahagyang naibalik sa ilang mga lugar, at ang mga signal ng cellphone ay ganap nang naibalik.

Patuloy pa rin ang search and rescue operations sa mga apektadong barangay, kung saan tinatalakay ng Sangguniang Panlungsod ang deklarasyon ng state of calamity sa lungsod kaninang umaga.

Marie Tonette Marticio