Kagaya ng ginawa ng katambal na si Seth Fedelin, nagsagawa rin ng isang Instagram Live ang kontrobersyal na Kapamilya teen actress na si Andrea Brillantes upang linawin ang mga isyung kinasasangkutan.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/seth-fedelin-nagsalita-na-suportado-ang-relasyon-nina-ricci-at-andrea/">https://balita.net.ph/2022/04/10/seth-fedelin-nagsalita-na-suportado-ang-relasyon-nina-ricci-at-andrea/

Finally ay inamin na rin ni Andrea na nagkaroon nga sila ng relasyon ni Seth, subalit naghiwalay na raw sila noong Oktubre 2021.

Tsika at Intriga

Ken Chan, sinilbihan ulit ng arrest warrant; wala raw ulit sa bahay?

Screengrab mula sa IG/Andrea Brillantes

"We broke up last year. Early October 'yun. And it was a painful break up but it was a mutual decision yung paghihiwalay namin. We both love each other truly and deeply. We’ve learn so much from each other, but in the end, we realize na we weren't growing as individuals na," pagbabahagi ni Andrea.

"Lahat ng fake news at pag-a-assume n'yo sa nangyari sa relasyon namin, hindi po totoo 'yun. We ended in good terms. At 'yun naman ang importante. Napag-usapan din namin — we promised each other na magpapatuloy pa rin kami sa work namin. Because we love each other as friends."

"And we also like the company of each other as actors. At gusto namin matupad yung pinag-usapan namin two years ago tungkol sa mga pangarap namin."

"The reason why I did this (live) now is for people to move on na rin. I didn’t do this to create another issue. I didn’t do this… to be called a victim. Or to be called problematic. I’m doing this for closure. I’m not asking you to believe in me… Alam ko namang mas madali paniwalaan ang tsismis kaysa katotohanan," sey pa ni Andrea.

Inamin din ni Andrea na totoong nagselos at nasaktan siya nang makita ang viral photo nina Seth at Francine Diaz noong Enero 2021. Inamin din niya na silang dalawa ang pinariringgan niya sa TikTok na 'Lose You To Love Me' ni Selena Gomez.

"I had no contact with them when I saw the picture. So I made a TikTok which made everything worse. I know that I should have asked first, I should have consulted my managers before posting it or sana nanahimik na lang talaga ako. Pero sana man lang, guys, once maisip n'yo na tao lang din ako. And it was my first heartbreak and hindi ko talaga alam kung papaano siya iha-handle," emosyunal na pagbabahagi pa ng 19 anyos na aktres.

"Kaya kahit sinasabi ng ibang tao na wala akong karapatan kasi never naman naging kami, masakit. Kasi actually, naging kami. Naging kami for two years and three months. Kaya nga I used that song kasi that's the most accurate and most relevant lyrics to what I was feeling at that time."

"Wala rin naman akong sinisisi. I never meant to pull anyone down. Nagulat lang talaga ako and I was just really hurt kasi kaibigan ko pa yung kasama."

"But I had no bad intentions. Di ko lang naisip because I was acting based on my emotions, and pagkakamali ko 'yun."

"I tried to call so many times to have an explanation, but no one answered.

"Noong meron naman nang sumagot, it was too late for me to take it all back. It was too late for me to delete the video that I posted," pagbabahagi pa niya.

Muling naungkat ang isyu dahil sa naging viral na proposal ni UP Fighting Maroons basketball star Ricci Rivero kay Andrea sa Mall of Asia Arena noong Abril 9, pagkatapos ng laro at manalo ang kanilang koponan laban sa FEU Tamaraws.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/">https://balita.net.ph/2022/04/10/got-two-wins-today-rivero-pumuntos-nakaiskor-ng-yes-kay-brillantes/

Makikita sa mga viral videos na kinuha ng 23 anyos na basketball heartthrob ang mikropono sa Mall of Asia Arena, at saksi ang mga naroon ay tinanong ni Ricci ang 19 anyos na dalaga kung puwede bang maging sila.

"Can I ask Blythe (Andrea) to be my girlfriend?" tanong ni Ricci habang naghihiyawan sa kilig ang mga taong saksi sa paligid. Sa magkabilang gilid naman ay may dalawang taong may bitbit na itim na damit na may nakalagay na 'YES' at 'NO'. Pinili ni Andrea ang YES hanggang sa naging emosyunal na ito.

Sa Twitter ni Ricci, agad na ipinahayag ng basketball player ang kaniyang kasiyahan: nakadalawang panalo nga naman siya ng gabing iyon!

"GOT TWO WINS TODAY! #UPFight || TAKEN," saad sa tweet ni Ricci.

Samantala, ibinahagi naman ni Andrea sa kaniyang IG stories ang litrato niya na suot-suot ang damit na may YES habang may bouquet of flowers.

Matatandaang naging usap-usapan sa social media, partikular sa TikTok, ang mga kumakalat na litrato nilang dalawa na umano'y magkasama raw sila dahil sa parehong background at isang lalaking restaurant staff na kasama nila sa iisang litrato.

Ibinahagi naman sa FB page na 'Davinci Quotes' ang tila resibong nakuha mula sa TikTok, na suot-suot umano ni Andrea ang jersey o uniporme ni Ricci sa pagbabasketball, na may numerong '25'.

Isa rin ito sa mga 'pasabog' na inurirat ng self-proclaimed na 'Pambansang Lalaking Marites' na si Xian Gaza sa kaniyang Facebook post, nitong Marso 13, 2022. Kalakip nito ang viral photos nina Ricci at Andrea.

"Isyus Manager, pakialam kung bakit sila magkasama. Hindi ka sasahod sa akinse hangga't 'di mo nalalaman," nakalagay sa caption ng FB post ni Xian.

Matatandaang noong Pebrero 22, 2022 nagsimula ang bulung-bulungang mukhang may namamagitan na umano sa kanilang dalawa, dahil sa kanilang mga caption sa IG posts nila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/14/ricci-andrea-naispatan-daw-na-magkasama-tanong-ng-mga-netizen-may-namamagitan-ba/">https://balita.net.ph/2022/03/14/ricci-andrea-naispatan-daw-na-magkasama-tanong-ng-mga-netizen-may-namamagitan-ba/

'Hi', sey ni Ricci, kasama ang petsang 2/22/22.

'Hello,' saad naman ni Andrea, na may petsang 2/22/22.

Subalit hindi nila kinumpirma kung may kinalaman sa isa't isa ang kanilang mga IG post o nagkataon lamang at nabigyan ng malisya, batay sa napansin ng mga netizen.

Sa 19th birthday naman ni Andrea, pinutakti ng mga netizen ang birthday message ni Ricci para kay 'Blythe'. Tinawag pa niya itong 'Drew'. Saad ni Ricci,

"Happy Birthday, drew! :))" saad ni Ricci.

Nagngitngit naman ang mga SethDrea fans o tagahanga ng tambalan nila ni Seth Fedelin, dahil sana raw ay nag-PM na lang daw si Ricci bilang respeto umano sa tambalan.

"Pwede naman personal na lang siya mag-greet kay Blythe may pa-Drew pa daw. Hindi ko siya binabash peo sa respeto sa lt (love team)."

"@ricciiirivero respect na lang sa love team."

"@ricciiirivero sa dami ng bumati ikaw lang di ko nagustuhan."

Samantala, makikita naman sa IG ni Andrea ang recorded video ng isinagawang live. Inamin niya na gumawa siya ng script para hindi niya makalimutan ang mga sasabihin.

"This is my truth. You can do whatever you want with it basta masaya na po ako. I love you all so much wala nang away-away please thank you.

(btw yes gumawa po ako ng script beforehand kasi I didn’t want to miss out on any detail and my statement will remain composed and clear for everyone), paglilinaw ni Blythe.