Umaasa si Senate President Vicente Sotto III na mabubulgar na ang mga nasa likod ng pagpupuslit ng produktong agrikultura sa bansa.
Aniya, susubukan nilang isapubliko ang buod ng report ng Senate Committee of the Whole sa Martes, Abril 12, pagkatapos nilang himayin ang intelligence report mula sa mga resource person kung saan nakapaloob ang mga pangalan ng mga sangkot sa pagpupuslit ng agricultural products sa Pilipinas.
"This is the third hearing already and we would like to come up with a committee report as soon as possible. Even while we campaign, we're trying to squeeze time for this is part of our job and so that the Ombudsman can look into the matters at hand," pahayag ni Sotto nang dumalo sa Kapihan ng Samahang Plaridel sa Manila Hotel kung saan dumalo rin ang running mate nito na si Senator Panfilo Lacson.
Gayunman, nilinaw ni Sotto na gagamitin nila ang parliamentary immunity sa kaso sakaling maling pangalan ang naibigaysa kanila.
Paliwanag naman ni Lacson, apektado ang sektor ng agrikultura sa talamak na smuggling batay na rin sa pahayag ng mga magsasakang nakakasalamuha nila sa provincial campaign sorties kamakailan.
"It is a very common, pestering issue if you go out and talk to different sectors, especially farmerssakafisherfolk. Agricultural smuggling is really hurting the local agricultural sector somabuti na rin na nailabas ito para magising din ang mgaconcerned, particularly people from the Bureau of Customs and the Department of Agriculture," dagdag nito.
Matatandaang inihayag ng Department of Agriculture (DA) na kakasuhan nila ang mga big-time personalities sa gobyerno kung mapapatunayang dawit sa paglaganap ng pagpupuslit ng produktong agrikultura.
PNA