Usap-usapan ngayon sa social media ang isa sa mga episode ng 'Pinoy Big Brother: Kumunity Teen Edition' dahil sa maling sagot ng mga housemate sa dalawang tanong tungkol sa pinakamahabang tulay sa Pilipinas at pinagsamang apelyido ng tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.

Nagsilbing quizmaster ang PBB host na si Robi Domingo. Nagkatapatan naman ang mga housemate na sina Gabb Skribikin at Kai Espenido.

Ang unang tanong, "Anong pangalan ng tulay na itinuturing na pinakamahabang tulay sa Pilipinas?" Nagbigay pa ng clue si Robi na ito ang nagdurugtong sa mga pulo ng Samar at Leyte.

Naunang pumindot ang teen housemate na si Gabb. Kitang-kitang hindi siya sigurado sa kaniyang sagot. Ang binigkas niya ay "SLEX" o South Luzon Expressway. Ang tamang sagot para dito ay San Juanico Bridge. Halatang pinigilan ni Robi ang kaniyang pagtawa.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa sumunod naman na tanong, "Sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora ay mas kilala sa tawag na…" ang nakapindot naman ng buzzer ay si Kai.

"Puwede pong pakiulit ng mga names?" hiling ni Kai sa quizmaster na si Robi.

Inulit naman ito ng TV host.

"Josmar… Marjo!!" sabi ni Kai. Kitang-kita naman ang pagpigil na matawa ni Robi. Sinusubukan pang buuin sa isip ni Kai kung ano ang tamang sagot.

"Wait lang, wait lang… nakalimutan ko ang mga apelyido… wait lang po, mahina po talaga ako sa…"

Hindi na nakapagbigay ng sagot si Kai dahil naabutan na ito ng oras. Nag-steal naman si Gabb na kaniyang katunggali.

"MARJO?? MAJOHA???" sagot ni Gabb.

Ang tamang sagot para dito ay GOMBURZA.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. May mga nagsabing bagama't aliw at nakakatawa ang mga ito, kailangan daw maalarma ang Department of Education o DepEd na tila ba hindi na alam ng kabataan ang ilang mga detalye sa kasaysayan ng Pilipinas.

"Open the schools, DepEd!"

"Galing magtransition sa TikTok pero di kilala Gomburza huhu you don’t have to be a valedictorian to know them."

"GomBurZa is literally the easiest thing you would know in Phil. history. Nakaka-disappoint. Pero kung K-Drama 'yan or oppa, memorize pa pati full name. It feels like our history is in crisis. It makes me horrified that this generation could easily forget our history."

"GomBurZa to MaJoHa, San Juanico Bridge to SLEX… Open the schools DepEd."

"150 years after the martyrdom of the GOMBURZA, they have been renamed as MAJOHA. We have so much work to do. It’s not just martial law. If we let things be w/ people never making sense of the whys of history, some troll will fill the gap for them."

"Honestly I'm not laughing noong napanood ko 'to. Inis naramdaman ko. My God from elementary to college (AP to Rizal) always name-mention ang GomBurZa. How come these kids doesn't know them? May isa pa, longest bridge… SLEX daw?? So disappointing."

Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din naman sa mga teen housemate.

"Huwag din nating sisihin, baka kasi hindi part ng curriculum sa school na pinanggalingan nila yung pag-aaral ng Philippine History? Wake up call ito sa DepEd to revisit the curriculum, especially sa Araling Panlipunan."

"Huwag natin i-blame lahat sa mga bata, baka hindi rin kasi naituro nang maayos ng mga HEKASI teachers nila…"

"Hindi naman siguro kabawasan sa pagkatao ng mga batang ito kung magkamali man sila sa mga basic questions nila? Batay sa surname nila, mga half-Pinoy sila, at hindi tayo sure kung dito ba sa Pilipinas nagsipag-aral ang mga 'yan. Don't judge, 'ika nga."

Samantala, wala pang pahayag o tugon ang PBB o DepEd tungkol dito.