Naniniwala si Pangulong Rodrigo R. Duterte na ang aktor at senatorial hopeful na si Robin Padilla ay "higit pa sa isang artista," lalo na upang tulungan ang komunidad ng mga Muslim, bilang isang muslim convert.

Sa President’s Chatroom na ipinalabas sa state-run PTV-4, nagpahayag si Duterte ng paghanga sa mga adbokasiya ni Padilla na kinabibilangan ng paglikha ng mas maraming batas para suportahan ang pagbuo ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

"Ang hangarin mo sa buhay maganda para sa Pilipinas. Tinulungan mo 'yung ating mga Muslim brothers and sisters at ikaw naman you were an advocate of matulungan sila," ani Duterte kay Padilla.

Pinasalamatan niya si Padilla sa pakikipag-ugnayan din sa kanyang mga kapwa Muslim sa gitna ng patuloy na pagsisikap na makamit ang kapayapaan at matiyak ang pambansang seguridad.

Ani Duterte, "Ikaw 'yung isa sa mga tao na nagbigay ng moderation para hindi mawala sa kamay. Hindi magkaroon ng giyera talagang patayan, putukan."

Inilarawan ni Duterte si Padilla, na minsang gumanap bilang Andres Bonifacio sa pelikula, bilang isang "krusada" dahil siya ay isang "moral at matuwid na tao."

"Ang nakikinig sa atin ngayon, kayong mga Pilipino, more than just being an actor — huwag na, itabi na natin 'yan — kung may pelikula ka man, extra ano na lang 'yan," he said.

Dagdag pa ni Duterte na "sayang" kung hindi bibigyan ng pagkakataon si Padilla na makapasok sa pampublikong opisina.