Ipinahayag ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na isa siyang certified Kakampink o tagasuporta ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo.

"Si Leni Robredo ang Presidente ko…" saad sa caption ng Instagram post ni Papa Pi ngayong Lunes, Abril 11 ng tanghali. Ibinahagi niya ang isang video message na nagsasaad na si VP Leni ang sinusuportahan niya para sa darating na eleksyon.

"Ang sarap pakinggan ng salitang pagkakaisa no? Pero mas masarap siyang maranasan," saad ni Piolo.

"Mahirap at mayaman, babae at lalaki, bata at matanda… lahat ay magkakasama. Lahat ay isinasantabi ang pagkakaiba para magkaroon ng ambag sa bayan. Parang noong simula ng pandemya at nagkakanda-ubusan ng PPE sets para sa ating mga frontliners, mga nagkakaisang Pilipino ang nag-ambagan para mabilis na maaksyunan ang kakulangan."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Sa punto ng buhay at kamatayan, ang pagkakaisa natin ang nagbibigay ng tatag at pag-asa kaya marami tayong nagagawa. Hindi para sa sarili kundi para sa kapwa. Ganito ang itsura ng totoong unity," saad pa ni Piolo.

"Naka-attend ka na ba ng rally ni Leni Robredo? Ganito rin kasi ang pagkakaisang nangyayari eh. Mga magsasakang naglalakad para makarating sa venue, mga volunteers na gumagastos ng sariling pera para mangampanya, mga nanay na kasama ang mga anak nila sa laban. Mga senior citizen na hindi na iniinda ang mga sakit, dahil ang kampanyang ito ay hindi na tungkol sa iisang pamilya o kandidato, kundi para sa Pilipinas na gusto nilang ipamana sa ating lahat."

"Ang totoong pagkakaisa ay isang pangako na walang maiiwan, lahat tayo magkakasabay na humahakbang para sa pangarap na lipunan, at ang totoong pagkakaisa ay inspirasyon at panawagan na tayong lahat ay gumawa ng kabutihan. Ang sarap ng ganyang klase ng pagkakaisa! Ramdam mong malayo ang mararating nating lahat!"

"Sure ako, totoong malalim ang unity ng mga Pilipino, kung tapat, mahusay at mabuti ang namumuno. Hindi ito yung pagkakaisa ng mga political dynasty para sa sarili nilang interes. Ang totoong unity ay pagkakaisa ng taumbayan. Pilipino para sa kapwa Pilipino. Iisa lang ang taong nagpakita at nakapagparamdam niyan sa atin sa loob ng napakaraming taon. Si Leni Robredo lang."

"At si Leni Robredo lang ang tanging iboboto kong pangulo ngayong eleksyon," pahayag pa ni Piolo.

Dahil dito, muli na namang naungkat ang box-office movie na 'Starting Over Again' ng Star Cinema na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga, kasama si Iza Calzado.

Sa naturang pelikula, hindi pinili ni Marco (karakter ni Piolo) ang ex-jowa na si Ginny (karakter ni Toni) at ang pinakasalan nito ay si Patty (ginampanan ni Iza Calzado) na kaniyang recent girlfriend.

Sa bandang dulo naman, nagkaroon ng cameo role ang tunay na boyfriend ni Toni, na ngayon ay asawa na niya, na si Direk Paul Soriano, na sa kasalukuyan ay parehong nagpahayag ng pagsuporta sa UniTeam.

Sina Piolo at Iza naman, parehong Kakampink.

Kaagad na lumabas ang pagiging 'malikhain' ng mga netizen sa paggawa ng memes tungkol dito.

Image
Piolo Pascual, Iza Calzado, at Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)

Piolo Pascual at Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)

Piolo Pascual at Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)

Piolo Pascual at Toni Gonzaga (Larawan mula sa Twitter)

"Toni G. this is the explanation and acceptable reason that you deserve. Eme."

"Sabi siguro ni Toni G kay Papa Pi, 'I deserve an explanation'".

"The Starting Over Again memes are coming. Deserve mo 'yan Ginny."

"Kaya naman pala hindi pinili ni Marco si Ginny… talagang compatible sila ni Patty."

"FINALLY! Marco and Patty forever!"

"Now i know why Marco chose Patty over Ginny, they really deserve each other. Marco and Patty end game that's it!!! Both Iza and Piolo are kakampink y'all they are both for LENI."

Bukod sa pelikula, ginawan din ng memes ang commercial nina Piolo at Toni para sa isang softdrinks kung saan isinigaw ni Toni ang "I love you, Piolooooo!!!!" at dito na sila nagsimulang sumikat.

Habang isinisulat ito, trending na ang mga salitang "Ginny" at "Mama Mary" sa Twitter.

Image
Screengrab mula sa Twitter