Inianunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na pinagkalooban na nila ng gun ban exemptions ang mga kuwalipikadong matataas na opisyal ng pamahalaan, gayundin ang mga agent ng National Bureau of Investigation (NBI).
Paglilinaw ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, inamyendahan na ng en banc ang Comelec Resolution No. 10728 na nagsasaad sa pagbabawal sa mgabodyguard na magdala ng armas bago ang panahon ng halalan.
Matatandaang mahigpit na ipinagbabawal ng Comelec ang pagbibitbit at pagbibiyahe ng baril o anumang nakamamatay na sandata sa labas ng bahay o sa mga business establishment, pampublikong lugar mula Enero 9 hanggang Hunyo 8, 2022 dahil sa election period.
Layunin aniya ng pag-amyendana mapabilis at gawing simple na lamang ang pagkakaloob nggun ban exemptions sa mga kuwalipikadong opisyal ng gobyerno.
“These officials need to feel secured in performing their duties, free from fear and pressure from others,” ayon kay Pangarungan sa isang pulong balitaan.
“The amendment also allows the Comelec to be more responsive to security concerns in election hotspots by granting the Comelec Chairman the authority to place election areas of concern, already approved by the Committee on the Ban on Firearms and Security Concerns (CBFSC), under Comelec control,” aniya pa.
Sa ilalim ng inaprubahang amendment, kabilang sa mga exempted na sa gun ban ay angOffice of the Vice President, mga senador, congressman, court justices, Cabinet secretaries hanggang assistant secretaries at kanilang mga security detail.
Aniya, ang mga binigyan ng gun ban exemption ay dapat na mayroong balidong License to Own and Possess Firearms (LTOPF), Certificate of Firearms Registration (CFR), at balidong Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR).
"Provided further, that in no instance shall they carry two (2) firearms. And provided furthermore, that these public officials shall submit to the CBFSC not later than April 19, 2022 the list of their firearms and qualified security detail,” paglalahad pa ng opisyal.