Inanunsyo nitong Lunes ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes ang suspensyon ng pagpapatupad ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang number coding scheme.
Magsisimula ang suspensyon mula alas-5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi sa mga sumusunod na araw ngayong Semana Santa:
Abril 12, 2022 - Martes Santo
Abril 13, 2022 - Miyerkules Santo
Abril 14, 2022 - Huwebes Santo (Regular holiday)
Abril 15, 2022 - Biyernes Santo (Regular holiday)
Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang publiko na makabiyahe nang mas maaga ngayong Semana Santa bunsod ng dagsa ng tao na uuwi sa mga probinsya sa mga terminal at pantalan.
Ayon pa sa MMDA na awtomatiko na lifted ang modified number coding scheme tuwing holidays.