Nagpasalamat ang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Gabriel 'Gab' Valenciano sa kaniyang mga magulang dahil sa pagtatanggol sa kaniya laban sa mga troll at basher na maaaring magsagawa ng cyber-bullying dahil sa pagpeperform niya sa Leni-Kiko sortie.

Ayon sa tweet ni Angeli noong Abril 9, may kalalagyan ang sinomang trolls o bashers na manlalait sa kaniyang anak.

"To trolls & insensitive netizens who are bashing my son @gabvalenciano for believing in the #LeniKiko tandem. It took years for him to bounce back from his mental breakdown some years back so I am warning u to please STOP YOUR CYBER BULLYING & bashing our son. God bless you," aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

https://twitter.com/AngeliPV/status/1512624890175959043

Bukod kay Angeli, may mensahe rin si Gary V.

"I stand with you in this hon. And son? No matter how much you’ve been bashed… rain or shine you also have inspired countless with your stand. Continue to reflect the character of those you stand for and let the bashers reflect theirs. I love you so much @gabvalenciano #LeniKiko."

https://twitter.com/GaryValenciano1/status/1512879781041217540

Sa isang tweet nitong Abril 10 ay pinasalamatan ni Gab ang kaniyang inang si Angeli.

"Awww mama, love you. I am grateful that through the years, I have managed to gain the strength to overcome such negativity and hate. In all honesty, I am unbothered by the bashing. Let us continue to pray for them. That’s what Jesus would do."

https://twitter.com/gabvalenciano/status/1513000759386066946

Nakatanggap ng pang-ookray si Gab mula sa ilang mga netizen na nagsasabing 'poor copycat' daw siya ng Pinoy rapper na si Andrew E ng UniTeam.