BAGUIO CITY– Pinamamadali na ngDepartment of Health (DOH) saFood and Drug Administration (FDA) ang pagpapalabas ng emergency used authorization (EUA) ng dalawang brand ng bakuna upang mabigyan na ng booster shots ang mga batang kabilang sa 12-17 age group.

Sa isinagawang“ResBakuna Kids and Tourists” activity sa naturang lungsod kamakailan, binanggit ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez, Jr. na hiniling na ng DOH sa FDA na bigyan na sila ng go-signal upang magamit ang Pfizer at Moderna vaccines para sa mga bata.

“Hinihiling po namin sa inyo na kapag nag-openna ang atingfourth dose,at nag-openna rin angbooster sa 12 to 17 years old,magpabakuna tayo. Hangga’t maaga, magpabakuna na,” pahayag ni Galvez.

Nitong Abril 8, aabot na sa 9,058,466 bata sa nabanggit na age group ang naturukan na vs coronavirus disease 2019.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

"We want to show local and foreign tourists that Baguio City is ready for business. When they visit here, they will feel safe. Tourists can even get vaccinated here. Baguio is a beautiful place that is not only a premier tourist destination but a health, wellness, and vaccination hub as well," paglalahad pa ng opisyal.

PNA