May makahulugang tweet si 'Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10' host Bianca Gonzalez hinggil sa mga taong gumagawa ng pekeng impormasyon para siraan lamang ang isang babae, na pinakawalan niya nitong Lunes, Abril 11, 2022.

Aniya, tila malungkot at madilim ang buhay ng taong ito.

"Ang lungkot, puno ng galit, at ang dilim siguro ng buhay ng taong gagawa ng pekeng pambababoy sa babae para lang siraan ito."

Pinayuhan niya ito na hindi pa huli ang lahat upang humingi ng tulong at magbago ng landas.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Ito ba talaga ang gusto mong gawin? Please seek help. Life is beautiful kahit mahirap. Kaya mo pang magbago ng landas."

https://twitter.com/iamsuperbianca/status/1513443809933156354

Ipinagpalagay ng mga netizen na ang tinutukoy ni Bianca ay ang mga paninira kay presidential candidate at Vice President Leni Robredo gayundin sa mga anak na babae nito na sina Jillian, Aika, at Tricia Robredo. Kumakalat sa Twitter ang pagkakasangkot umano sa sex videos, partikular ni Aika.

"Protect Robredo sisters, grabe na!"

"Ang lahat ng ginagawa nilang paninira never iyan magtatagumpay. Pray lang natin i-touch ni God ang heart ng taong naninira na magbalik-loob sa Diyos ang taong nasa kadiliman."

"Yung mga gumagawa niyan, wala ba silang, kapatid na babae, walang asawa, walang anak na babae, mga hayop ang ugali."

"Ms B, they're doing this because of money… For sure. We don't deserve this…"

Samantala, nagsalita na rin dito ang tumatakbong senador na si Atty. Chel Diokno.

"Ito ang latest script ng kabila, targeting the daughters of VP Leni. Alam nating desperado na sila dahil sa paglakas ni VP, but it takes a special kind of evil to resort to misogynistic attacks against the kids. Ito ba ang uri ng pulitika na gusto natin para sa ating mga anak?"

"We call on Google to remove these links immediately and to pro-actively prevent any more links containing the same abhorrent misogynostic attacks to be published. Google should not allow itself to be used for crimes against women," aniya.

Bagama't wala pang direktang tugon o reaksyon tungkol dito, niretweet naman ni Aika ang tweet sa opisyal na Twitter account ng kaniyang ina.

"Best antidote to fake news is the TRUTH. Let us not lose focus. Tuloy-tuloy lang ang paggawa ng kabutihan. This was how I survived the last 6 years," saad dito.

https://twitter.com/lenirobredo/status/1513419560715632642

Sa kasalukuyan ay trending sa Twitter ang #ProtectTheRobredos at #ProtectLeniAndFamily.

Screengrab mula sa Twitter