Matapos ang viral na proposal ni Ricci Rivero kay Andrea Brillantes upang maging jowa nito matapos ang labanan ng UP Fighting Maroons at FEU Tamaraws nitong Sabado, Abril 9, nagpakawala naman ng gigil niya ang aktres na si Sharlene San Pedro kay 'Pambansang Lalaking Marites' Xian Gaza.

Nag-ugat ito sa Facebook post ni Xian tungkol sa umano'y real score sa pagitan nina Ricci at Sharlene San Pedro na nagkatambal sa pelikulang 'Happy Times' kasama si Heaven Peralejo noong 2021.

"JUST IN: Ricci Rivero, iniwan si Sharlene San Pedro para kay Andrea Brillantes! Petsa ng unang pompyangan, inaalam ng aming team!"

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Agad namang pinalagan ni Sharlene ang paratang ni Xian sa pamamagitan ng serye ng tweets. Tinawag niya itong 'nagpapakalat ng fake news' at 'clout chaser'.

"Shoutout sa'yo Xian Gaza tama na pagpapakalat ng fake news. Napaka-clout chaser mo talaga di ko alam ba't may naniniwala pa sa mga walang basehan na chismis na kinakalat mo," ayon sa tweet ni Sharlene nitong Abril 9 ng gabi.

"Wala kasing nagkakagusto sa'yo ano kaya puro chismis kinakalat mo," saad pa niya.

"So sikat na kami nito? Chinichismis na kami eh."

Screengrab mula sa Twitter/Sharlene San Pedro

Maging si Ricci mismo ay nakisali na rin sa pagbarda ni Sharlene sa online personality.

"HAHAHAHA wala kasi ata talaga may gusto jan kaya ganyan!" aniya, na niretweet ang isa sa mga tweet ni Sharlene.

Screengrab mula sa Twitter/Sharlene San Pedro at Ricci Rivero

Sa kabilang banda, patuloy pa rin si Xian sa pagpo-post niya laban kina Ricci at Sharlene.

"NEWS HEADLINE: RIVERO AT SAN PEDRO, BINANATAN SA TWITTER ANG PAMBANSANG MARITES NG PILIPINAS! KUNG HINDI NAMAN PALA TOTOO, BAKIT SOBRANG DEFENSIVE NILA?!" saad ni Xian at sa comment section nito ay naglapag siya ng mga screengrab na resibo na 'umamin' na umano sila sa real score nila sa panayam ni G3 San Diego.

Sa isa pang FB post, "BREAKING NEWS: SHARLENE SAN PEDRO, NATAGPUANG MALUNGKOT SA QUEZON CITY!"

"Aminin n'yo na kasi sa publiko ang totoo, na may something talaga sa inyo behind the camera, more than a love team. Nilandi ka ni lalaki in real life pero na-tropazoned mo siya after ka niya ayain ng totnak kaya nauwi siya sa kaibigan mong KSP ng taon," ayon pa kay Xian bagama't wala naman siyang pinangalanan.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Sa isa pang FB post ng Abril 10 ng madaling-araw, binanatan naman niya sina Ricci at Andrea. Batay sa post, pinalalabas ni Xian na 'scripted' lamang ang proposal at matagal nang mag-jowa ang dalawa.

"After mag-drama sa TikTok at umeksena kay Francine at Seth eh biglang nagpatuhog sa basketball player. Bida-bida ampucha. 'Baby, mag-propose ka sa akin after the game para bida na naman ako. Kunyare hindi pa tayo kahit sinagot na kita last week. Eeksena ako syempre. Shookt na shookt ang peg. Nasabihan ko na yung mga kukuha ng video. Kapag hinawakan mo na yung mic eh yun na ang cue nila to record us. Okay? I love you Ricci ng buhay ko! Muah!"

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Sinagot din niya ang patutsada nina Ricci at Sharlene na walang nagkakagusto sa kaniya.

"Walang nagkakagusto sa akin kasi hindi naman ako basketball player. Milyonaryo lang ako. Try mo alisin 'yang basketball sa buhay mo eh mukha kang poging tambay sa kanto na suma-sideline sa parlor tuwing alas tres ng madaling araw. Promise," banat ni Xian.

Screengrab mula sa FB/Xian Gaza

Samantala, wala pang reaksyon o tugon dito sina Ricci, Andrea, o maging si Sharlene.