Ibinasura ng isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mungkahing tanggalin na ang ipinaiiral na deployment ban ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan.

Katwiran ni Labor Attaché Alejandro Padaen ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Lebanon, hindi nakabubuti sa mga manggagawang Pinoy ang mungkahi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Abdullah Mama-o at dapat munang pag-aralan nang husto ang sitwasyon bago gumawa ng anumang hakbang.

Pinayuhan din ni Padaen si Mama-o na konsultahin muna ang nasa baba o ang mga sumusubaybay sa sitwasyon sa naturang bansa kaugnay ng usapin.

Sa plano ni Mama-o, nais niyang ipaalis ang suspensyon sa pagdadala ng mga newly hired na skilled at household service workerssa Kingdom of Saudi Arabia at iba pang bansa sa rehiyon, kabilang na ang Libya at Iraq.

Gayunman, kinontra ito ni Padaen at sinabing hindi pa nakakarekober ang bansa sa political at economic crisis at hindi pa nakapaglalabas ng kasunduan kaugnay sa standard contract, lalo na sa mga domestic workers.

"Considering the economic aspect, it may not be the right time yet to deploy new hires in Lebanon. Several companies have closed down and we have not been deploying household service workers since 2007.TheBalik Manggagawa(Returning Workers) program that we process are those who have relatives here and have come through informal channels. It will be better if we assess first and study the situation before we start deploying again,” ayon kay Padaen.

Noong Enero 2020, iniutos ng Department of Foreign Affairs na itaas sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa Lebanon para sa mga manggagawa kasunod na rin ng kautusan suspendihin muna ang pagpapadala ng OFWs sa lugar.

PNA