Matapos matalo sa Game 2 ng PBA 46th Season Governors' Cup Finals, gumanti naman ang Meralconangkamkamin nila ang Game 3 kontra Barangay Ginebra San Miguel, 83-74, sa Mall of Asia Arena nitong Linggo ng gabi.
Ito ay nang limitahan ng Bolts ang Gin Kings ng 26 puntos sa second half ng laro at apat lang din ang naipasok na tres sa 32 na pagtatangka.
"Both teams played really good defense tonight. You can tell that by the score.It was very difficult to score out there, so it's just a matter of just getting some stops and trying to hold on as long as we could," reaksyon ni Meralco coach Norman Black.
Kumana si Tony Bishop ng 30 puntos at 16 rebounds. Aabot naman sa 20 puntos ang nagawa ni Chris Newsome dagdag pa ang 11 rebounds, anim na assists habang si Allein Maliksi ay nag-ambag ng 10 puntos.
Sa first half ay umabante pa ang Gin Kings ng 13 puntos sa tulong na rin ni Justin Brownlee at naramdaman din ng Meralco ang lakas nito dahil nalimitahan lamang nito ang koponan ng 33 porsyento sa kanilang buslo.
"They had 30 points in the paint, but we were only down by eight points. I remember the great coach Ron Jacobs, telling me that if you shoot a very high percentage in the first half, and you're only up a few points, that's not very good," ayon kay Black.
"So it was just a way of trying to motivate my players to understand that we were still in the game. We still had a chance to come back, we just had to play a little bit better defense, and play better offense. Which we did in the second half," dagdag pa nito.
Bukod naman kay Brownlee na nakaipon lamang ng 19 puntos, kumamada naman si Christian Standhardinger ng 17 puntos at anim na rebounds habang si Scottie Thompson ay gumawa lamang ng11 puntos, 10 rebounds, at tatlong assists.
Hawak na ngayon ng Meralco ang 2-1 abante sa serye. Itinakda ang Game 4 sa Araneta Coliseum sa Miyerkules.