Hinagupit ng bagyong 'Agaton' ang bahagi ng Eastern Samar nitong Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pahayag ng PAGASA, partikular na binayo ng bagyo ang Calicoan Island sa Guiuan dakong 7:30 ng umaga.

Kaugnay nito, itinaas naman sa Signal No. 2 ang southern portion ng Eastern Samar (Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, Llorente, Balangkayan, Maydolong, Borongan City);southern portion ng Samar (Marabut, Basey, Calbiga, Pinabacdao,Villareal, Santa Rita); atnortheastern portion ng Leyte (Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa).

Pitong lugar naman ang isinailalim sa Signal No. 1. Ang mga ito ay kinabibilangan ng nalalabing bahagi ngEastern Samar; nalalabing parte ngSamar;Northern Samar;Biliran; nalalabing lugar saLeyte; Southern Leyte; at northeastern portion ng Cebu (Daanbantayan, Medellin, Bogo City, Tabogon, Borbon), kabilang ang Camotes Islands.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Binalaan din ng PAGASA ang publiko sa inaasahang malakas na hangin sa mga natukoy na lugar sa susunod na 36 oras.

Huling namataan ang bagyo sa karagatan ngGuiuan, Eastern Samar, taglay ang hanging75 kilometer per hour (kph) malapit sa gitna at bugsonghanggang 105 kph.

Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Maaapektuhan ng malakas na hangin ang mga lugar na saklaw ng 220 kilometro mula sa sentro ng bagyo, ayon sa ahensya.

Inaasahan din ng PAGASA na makaranas ng malakas na ulan saEastern Visayas, Dinagat Islands,Surigao del Norte, Agusan del Norte, Bohol, Cebu,Masbate, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Romblon, Northern Mindanao, at nalalabing parte ng Visayas at Caraga.