QUEZON - Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang tatlong magkakapatid na pinaghihinalaang miyembro ng gun-for-hire group nang mahulihan ng mga baril at iligalna droga sa magkakahiwalay na operasyon sa Tiaong nitong Sabado.

Under custody na ng Quezon Provincial Police Office ang mga suspek na nakilalang sinaTeodoro Aquino Satumba, 34 taga-Brgy. Del Rosario Tiaong; Abelardo Aquino Satumba, 47 at Lorenzo Aquino Satumba, 43, kapwa taga-Sitio Ibaba, Brgy. Cabay, Tiaong, Quezon.

Ang magkakapatid ay inaresto sa Brgy. Del Rosario at Brgy. Cabay sa naturang bayan, nitong Sabado.

Sa teorya ng pulisya, nag-o-operate ang mga ito sa at Quezon, Batangas at Cavite.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Bukod dito, sangkot din umano ang tatlo sa paglaganap ngiligal na droga sa bayan ng Tiaong at sa mga karatig-lugar.

Nakumpiska sa mga ito ang isang Cal. 38 revolver, apat na bala, isang Carbine rifle, isang Cal. 30, dalawang magazine ng Carbine, dalawang Cal. 45, limang bala, isang stabilizer, isang granada, 2 plastic sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunition).