Hindi muna papayagang dumalo ang aktor na si Will Smith sa awarding ceremony ng Academy Awards o Oscars sa looob ng 10 taon, dahil sa ginawa niyang panunugod, pananampal, at pambubulyaw sa komedyanteng si Chris Rock, dahil sa pagbibiro nito sa misis niyang si Jada Smith, noong Marso 27.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/28/2022oscars-will-smith-sinugod-sinampal-si-chris-rock-dahil-sa-biro-nito-sa-misis-niya/">https://balita.net.ph/2022/03/28/2022oscars-will-smith-sinugod-sinampal-si-chris-rock-dahil-sa-biro-nito-sa-misis-niya/

"The Board has decided, for a period of 10 years from April 8, 2022, Mr. Smith shall not be permitted to attend any Academy events or programs, in person or virtually, including but not limited to the Academy Awards," pahayag nina Academy President David Rubin at CEO Dawn Hudson nitong Biyernes, Abril 8.

"The 94th Oscars were meant to be a celebration of the many individuals in our community who did incredible work this past year; however, those moments were overshadowed by the unacceptable and harmful behavior we saw Mr. Smith exhibit on stage."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"During our telecast, we did not adequately address the situation in the room. For this, we are sorry. This was an opportunity for us to set an example for our guests, viewers and our Academy family around the world, and we fell short — unprepared for the unprecedented."

Noong Marso 28 ay nauna nang nagbigay ng opisyal na pahayag ang Oscars tungkol sa slapping incident na ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/28/academy-awards-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-hinggil-sa-will-smith-chris-rock-issue/">https://balita.net.ph/2022/03/28/academy-awards-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-hinggil-sa-will-smith-chris-rock-issue/

Ginawa ang desisyon matapos magbitiw rin sa Oscars si Will Smith bilang pag-ako sa kaniyang pagkakamali.

Adad namang tumugon si Smith sa desisyon na ito ng Oscars.

"I accept and respect the Academy's decision," saad niya.

Bago nito, naglabas din ng opisyal na pahayag si Smith bilang paghingi ng dispensa sa lahat, lalo na kay Rock.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/03/29/will-smith-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-hinggil-sa-pananampal-kay-chris-rock-i-am-a-work-in-progress/">https://balita.net.ph/2022/03/29/will-smith-naglabas-ng-opisyal-na-pahayag-hinggil-sa-pananampal-kay-chris-rock-i-am-a-work-in-progress/

Si Smith sana ang magpe-present ng 'Best Actor Award' sa susunod na mapararangalan nito, sa taong 2023, subalit hindi na niya ito magagawa dahil sa pag-ban sa kaniya ng Oscars, na malugod naman niyang tinanggap.

Samantala, wala naman umanong balak na magsampa ng kaso si Chris Rock laban kay Will Smith.