Gagawin nina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ang lahat ng pagsisikap upang mapanatili ang kapayapaan at pagtutulungan kaugnay ng usapin sa pinag-aagawang South China Sea (SCS), ayon sa pahayag ngMalacañang nitong Biyernes.

Paliwanag ngMalacañang, ganito ang takbo ng pag-uusap nina Duterte at Xi sa isinagawang telephone summit kung saan iginagalang ng bawat isa sa kanila ang pagbibigay ng diplomatic engagement sa kabila ng iringan dahil sa pag-aangkin ng China sa SCS.

"Both leaders reaffirmed the centrality of ASEAN and renewed the commitment to bring peace, progress and prosperity in the region. The two Presidents emphasized the importance of continuing discussions and concluding the Code of Conduct on the South China Sea," banggit ngMalacañang.

Bukod sa usapin sa South China Sea, tinalakay din ng dalawa ang iba pang bagay katulad ng Covid-19pandemic, bilateral trade, "Build, Build, Build" infrastructure program ng gobyerno, giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia at climate change.

Matatandaang mula nang umupo si Duterte sa puwesto, pinanindigan pa rin ng Pangulo ang pagiging matulungin sa kabila ng panghihimasok ng Beijing sa karagatang saklaw ng Pilipinas dahil kapalit ng pangakong pamumuhunan ng China sa bansa.