Asahan ang pagpapatupad muli ng mga kumpanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng mabawasan ng mula ₱1.00 hanggang ₱2.00 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang ₱0.50 hanggang ₱1.00 naman ang itatapyas sa kada litro ng diesel.
Ito ay bunsod lamang ng pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Sakaling ipatupad, ito na ang ikatlong oil price rollback ngayong taon.
Nitong Abril 5, huling ini-rollback sa ₱2.30 ang presyo ng gasolina, ₱1.85 sa presyo ng diesel at ₱1.65 naman sa presyo ngkerosene.