Suspendido sa loob ng apat na araw ang lotto operation ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa susunod na linggo bilang pakikiisa sa paggunita ng Semana Santa.

"In observance of the Holy Week and as part of the annual Filipino tradition, changes in lotto draw and selling schedules shall be implemented pursuant to the approved lotto draw and selling operations during the lenten season," anang lotto advisory ng PCSO, nitong Sabado.

Nabatid na sa Abril 11, 12 at 13, Lunes Santo hanggang Miyerkules Santo, ay regular pa ang selling at draws ng lotto.

Wala namang selling at draws mula Abril 14 hanggang 17, o mula Huwebes Santo hanggang Linggo de Gloria.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Inaasahang magbabalik sa normal ang operasyon ng lotto sa Abril 18.

"We thank the gaming public for your continued patronage and support to all PCSO game products," anito pa.