Magpapatuloy pa rin ang libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) para sa mga Filipino Veterans hanggang Abril 11.

Ito'y sinimulan ng pamunuan ng LRT noong Abril 5 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Day of Valor at National Veterans Week sa bansa.

Libreng makakasakay ang Filipino veterans mula 7:00AM hanggang 9:00 AM, at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM.

Upang makapag-avail ng libreng sakay, kailangan lamang anila ng mga Filipino veterans na magpresenta ng kanilang balidong Philippine Veteran’s Affairs Office (PVAO) identification card pagpasok ng istasyon ng tren.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Ang LRT-2 ay bumibiyahe mula Recto Avenue sa Maynila hanggang sa Antipolo City.