Willing naman umano i-share ni presidential candidate at Senador Panfilo "Ping" Lacson ang kanyang running mate na si Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa katunggali na si Senador Manny Pacquiao.

Pandesal Forum Abril 9, 2022 (screenshot: Kamuning Bakery Cafe/FB)

Sinabi ni Lacson na puwede naman nila [Pacquiao] maging common na vice presidential candidate si Sotto sakaling magwi-withdraw si vice presidential candidate at Deputy Speaker Lito Atienza, running mate ni Pacquiao.

Kinokonsidera kasi ni Atienza na magwithdraw sa kanyang vice presidential bid kaya't nais din niyang magwithdraw si Lacson upang maging running mate ni Pacquiao si Sotto.

”​I’m praying and hoping Ping, he already knows the realities of his political position. I hope he backs out too, and that could change the whole structure that could completely demolish the Sara-Bongbong tandem,​” ani Atienza.

Gayunman, sa Pandesal Forum nitong Sabado, Abril 9, sinabi niyang maging common candidate nalang nila ni Pacquiao si Sotto.

"Maganda sana ang ginawa niya [Atienza], kung intensyon niya magwithdraw, common candidate nalang namin si Senate President ni Manny Pacquiao. Wala siyang vice president i-adopt na lang niyang vice presidential candidate," saad ni Lacson

"Ako willing naman to share si Senate President with anybody as long as it will take him to victory para manalo siya as vice president," dagdag pa niya.

"In fact sa Davao del Norte nga diba, nag Leni-Sotto sila doon. Sabi ko, that's fine. Whatever it takes na manalo si Senate President," sabi pa niya.

As of writing, wala pang pahayag si Senador Pacquiao tungkol sa naturang pahayag ni Lacson.