Tila maraming naka-relate much ngayon sa art card na ibinahagi ng komedyanteng si K Brosas, tungkol sa 'friendship over' dahil sa politika, lalo't iba-iba ang opinyon at panlasa ng mga tao, at kahit na magkakamag-anak o magkakaibigan ay nagkakatalo-talo pa dahil dito.

Giit ni K na isang certified Kakampink, wala namang problema kung magkaiba ng pananaw ang magkaibigan pagdating sa politika, subalit kung natatapakan na ang 'morals' ay ibang usapan na ito.

"I was asked, "You're going to lose friends over politics?!!" I said, "I'm going to lose friends over morals. HUGE difference," nakasaad sa art card na ibinahagi ni K sa kaniyang tweet noong Abril 7.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Image
Screengrab mula sa Twitter/K Brosas

Sa isa pang tweet, ipinaliwanag naman ni K na may mga kaibigan siyang iba ang bet na kandidato subalit kung nagshe-share na ito ng mga fake news, nanlalait sa ibang kandidato, ibang usapan na raw iyon.

"Dagdag ko lang, may mga kaibigan pa rin naman ako na iba bet, walang prob sa akin infer.. pero once na nag-share ka na ng fake news, nanira ng di mo bet at misinformation galore… hindi 'yan tugma sa magandang morals tama? At di na 'yun sakop ng 'respect my opinion' keme. Bow," ani K.

Screengrab mula sa Twitter/K Brosas

Pareho naman silang certified Kakampink ng kaibigang komedyante na si Pokwang. Kamakailan lamang, sinoplak nila ang mga netizen na nanlait sa kanila na 'pangit' at 'laos'.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/04/02/pokwang-melai-cantiveros-sinabihang-pangit-k-brosas-laos-na-raw-banat-ng-bashers/">https://balita.net.ph/2022/04/02/pokwang-melai-cantiveros-sinabihang-pangit-k-brosas-laos-na-raw-banat-ng-bashers/