Nanawagan ng tulong kamakailan si ex-Pinoy Big Brother (PBB) housemate Dawn Chang sa kanyang Twitter followers upang mabawi ang kanyang Facebook account na aniya’y na-hack matapos niyang magpahayag ng suporta kay Presidential candidate and Vice President Leni Robredo.

Isang buwan nang hindi accessible ang Facebook account ng aktres ayon sa kanyang Twitter post nitong Miyerkules, Abril 6.

“I NEED HELP. Please help me recover my Facebook page. It was hacked when I expressed support for VP Leni Robredo and ABSCBN. It has been more than a month. Retweeting this will help get their attention. Thank you. [emoji] @Meta @facebookapp @fbsecurity @ABSCBNNews @ralph_calinisan,” paghingi na ng tulong ni Dawn sa publiko na tinugunan naman ng ilan sa kanyang followers.

Matatandaan noong Pebrero ay nagpahayag si Dawn ng pagkainsulto sa kapwa Kapamilya actress na si Toni Gonzaga matapos hayagan nitong maging kabahagi sa grand proclamation rally ng UniTeam tandem nina Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. at running mate nitong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa Philippine Arena.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

https://twitter.com/thedawnchang/status/1511728466437181446?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1511728466437181446%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fkami.com.ph%2Fentertainment%2Fcelebrities%2F141481-dawn-chang-nanghingi-ng-tulong-para-ma-recover-ang-kanyang-na-hack-na-facebook-page%2F

“It’s my greatest honor to verbalize what other people cannot say: I am deeply insulted and disappointed by the actions of my fellow kapamilya actress Ms. Toni Gonzaga,” matapang na saad ni Dawn sa parehong Instagram at Facebook post, noong Pebrero.

Basahin: Dating PBB housemate Dawn Chang, nainsulto, imbyerna kay Toni – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Naging usap-usapan din ang pagpapakilala ni Toni kay senatorial aspirant Rodante Marcoleta na isa sa mga mabigat na kritiko ng ABS-CBN, kasagsagan ng laban ng network sa franchise renewal nito noong 2020.

“Paano n’yo po nasikmurang suportahan at tulungan ang mga taong may malupit na nakaraan sa kasaysayan ng bansa at sa pagkawala ng trabaho ng mga kasama natin sa industriya?” maanghang pa tanong ni Dawn sa actress-host.

Simula noon, hayagan na rin na nagpapakita ng suporta ang dancer-actress sa kandidatura ni Robredo.

Basahin: Dawn Chang, binanatan ang mga may ‘mataas na posisyon’ na nangunguna sa paggawa ng mali – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kilala rin si Dawn sa kanyang matapang na pagtindig sa mga isyu lalo na sa mga pang-aabuso laban sa mga kababaihan.

Basahin: Dawn Chang, ibinahagi ang saloobin hinggil sa mga babaeng naaabuso – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid