Mahigit 200,000 dayuhang turista ang dumating sa Pilipinas mula nang muling buksan ang boders nito para sa mga biyahero mula sa lahat ng bansa noong Abril 1, sinabi ng Department of Tourism (DOT) noong Biyernes, Abril 8.

Sinabi ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat na nasa 202,700 turista na ang bumisita sa bansa nitong Abril 7.

“The sustained influx of tourists in the Philippines is a good measure of the industry’s success in its preparations to welcome foreign tourists into the new normal. Our high vaccination rate among tourism workers and reportedly low cases around the country have helped restore the confidence of travelers to visit the Philippines during the summer season,” ani Puyat.

Batay sa datos mula sa One Health Pass (OHP), nanguna sa listahan ang mga foreign arrival mula sa USA na may 43,744 na bisita; sinundan ng Canada na may 9,618; ang United Kingdom na may 9,315; South Korea na may 8,440; at Australia na may 8,212 turista.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Sinabi rin ni Puyat na ipinatupad ng bansa ang "isa sa pinakasimple at pinaka-relax na mga travel restrictions" kasunod ng hakbang ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) upang mapagaan ang mga alituntunin.

Kinakailangan ng mga turista na gumamit ng rapid antigen test bilang requirement sa pagpasok sa kondisyon na dapat itong ibigay at sertipikado ng isang propesyonal sa pasilidad ng healthcare facility, laboratoryo, klinika, parmasya, o iba pang katulad na mga establisyimento para sa entry purposes, testing, at mga protocol ng quarantine.

Pinalawak din ng IATF-EID ang listahan ng mga tinanggap at kinikilalang national Covid-19 vaccination certificate sa mga bansa tulad ng Bangladesh, Mexico, Pakistan, at Republika ng Slovak.

“This continued growth shall aid our stakeholders, as well as the economy, in recovering from the effects caused by the pandemic,”  dagdag ni Puyat.

Faith Argosino